December 24, 2015
Thursday, 6:00 pm
Hinihintay namin ang fudams na galing sa aming pinsan. Sabi niya kasi kay mudra 'wag na daw kaming magluto ng food for Noche Buena dahil siya na daw ang bahala para dito at aabutan niya na lang daw kami. So ayun naghintay kami sa arrival ng pagkain. Pinuntahan siya ng kapatid ko sa kanyang bahay upang tingnan kung luto na ang mga fudang pero wala siya dun. Nakasarado ang pintuan ng bahay niya. Nakapatay ang mga ilaw. Mukhang walang tao kaya naman nag-decide si sister na umuwi na at nag-assume na baka may pinuntahan si pinsan.
Natapos ang gabi na walang dumating na handa. Sabi ko mukhang niloloko ata kami nitong pinsan ko hehe. Despite that, di pa rin kami nag-prepare ng food for Noche Buena. Sabi kasi ni mudra sa Pasko (kinabukasan) na lang daw kami magluto dahil kung gabi kami kakain ng sobra eh baka mategi kami the next day dahil sa bangungot dala ng kabusugan. So sabi ko sige. Ayun natulog na lang kami agad at sinabing bukas na lang ang handa.
December 25, 2015 - Christmas Day
Friday, 8:00 am
Pagkagising ko ay tumambad sa akin ang iba't-ibang handa. Thank God dahil inihatid na rin sa wakas ni pinsan ang pagkaing kaniyang ipinangako na dapat sana ay kagabi pa. Hayan tingnan niyo na lang below ang ilan sa mga pictures na inilatag namin sa aming mesa noong Pasko. (I was hesitant at first kung ipo-post ko ba 'tong mga piktyurs dahil for sure 'pag nakita 'to ng family ko eh malalaman nila na ako si AnonymousBeki. Pero I told myself bahala na. I will do this for my readers. hihi. Pasensya nga pala dahil low quality ang images.)
Pancit Palabok |
Pancit Canton |
Puke Cake |
Ito naman ay ni-bake ng aking pinsan. Puke cake daw ang tawag diyan. I bet iba ang nai-imagine niyo sa pangalan di ba? hahaha. Actually di ko alam kung ano ang tamang spelling niyan even the correct pronunciation ay wala akong idea. Si pinsan ang nakakaalam nun at hindi ako sure kung kailangan ba talagang lagyan ng glottal stop sa tuwing binibigkas ang puke cake na 'yan. haha
Maliban diyan, marami pang handa ang hindi ko na na-piktyuran. Gusto ko na sanang lantakan lahat now na kaya lang may binyag pa pala akong kailangang daluhan. I'll just eat them all pagkauwi ko. Later ko na sasabihin sa inyo kung ano ba ang aking judgement sa lasa ng mga food (lakas maka-chef) lalong lalo na sa lasa ng puke cake haha. But for now, kailangan ko munang pumunta sa simbahan para sa binyag.
10:00 am.
Hingal ako nang makarating sa venue ng binyag ng aking inaanak-to-be. Maalinsangan ang weather. Pagod din ako dahil hinanap ko pa yung simbahan.
Pagkarating dun ay na-sightsung kong ang daming tao. Siksikan ang eksena. Yung iba nga eh nasa labas na. Nagsasalita na yung pari kaya naman nag-worry ako ng very very light dahil late na ako sa event.
Tinext ko si kumareng friend (na mother ni inaanak) at sinabi kong sunduin niya ako sa may labas. Then sinundo niya nga ako sa may pintuan ng church. Hinatid niya ako sa may chapel at sinabing mamaya pa bibinyagan si inaanak. 2nd batch pa pala kami. Akala ko pa naman eh late na ako sa binyag. Kinabahan ako dun ng slight.
10:50 am
Sa loob lamang ng ilang sandali ay magsisimula na ang seremonya para sa 2nd batch ng mga sanggol na bibinyagan. Kasama siyempre dun ang aking godchild. Pumwesto na kami sa aming respective seats. Pagpatak ng alas onse, the rite of baptism began.
Aside sa mother and father ng bagets, present din sa binyag ang jologs friends ng pudra. Yung ninang lang naman ang hindi nakadalo. Tinanong ko si kumare kung sino ba ang nakuha niyang ninang. Ang sabi niya ay yung syota daw ng shupatid niya, na isang tomboy. Napaisip ako, bakla at tomboy ang godparents ni inaanak, ano na lamang ang kahihinatnan ng bata? Sana wag siyang matulad sa amin, haha joke lang. Pero okey yun huh. Si tomboy na lang ang ninong at ako na lang ang ninang. Magandang idea davah?
12:30 pm na nang matapos ang seremonya. Siyempre di diyan mawawala ang picture-taking. Ayoko sanang magpakuha ng larawan dahil may allergy ako sa mukha that time (pisti!) at nahihiya akong humarap sa camera pero pinagbigyan ko sila dahil ang kj ko if I did not di ba. Ang awkward lang nung time na kailangan kong kargahin yung bata (na tulog nung mga panahong iyon) eh di ko kinaya dahil sa ampayat ko. Sinenyasan ko si kumare na kunin niya na si bagets from me. Habang inaabot ko sa kanya si inaanak ay binulungan ko siya ng “Ang bigat ng anak mo ha." Kalokah. Kung kumain sana ako ng marami eh di sana kaya ko nang kumarga ng bata at hindi na nahihirapan pa na akala mo'y isang sakong bigas ang karga-karga. Kung gusto niyong magka-idea kung gaano ako kapayat, tingin ka lang sa poste ng meralco at paniguradong ako ang mai-imagine mo lol.
After the picture-taking ay bet ko na sanang umuwi kaya lang hindi na muna dahil kailangan ko siyempreng paunlakan ang imbitasyon ni kumpare (na hindi ko gaanong ka-close) na doon na lang daw ako sa sa bahay nila mananghalian, simpleng salu-salo kumbaga. So ayun sumama ako sa kanila at kami'y nag-lunch together with his jologs friends.
Habang kumakain ay natanong sa akin ni kumpare kung ano daw ba ang mas prefer kong itawag niya sakin, "pare" ba o first-name-or-nickname basis? Sabi ko sa kanya siya na ang bahala. Pinili niya yung latter dahil malamang iniisip niya na baka offensive sa akin ang tawag na pare. Pero sa isip ko mas prefer ko ata kung pare na lang dahil di ako masyadong sanay na tinatawag ako by my nickname ng mga taong hindi ko pa super ka-close. Ah basta kahit ano na lang ata.
Bago umalis ay iniabot ko kay kumare ang aking regalo for my inaanak. Cash ito na nakapaloob sa makulay na ampao. After that ay nagpaalam na ako sa kanila na ako'y uuwi na at nagpasalamat din siyempre for the lunch.
1:30 pm nang makauwi ako sa balur. Excited much na akiz na matikman ang mga handa na hindi ko natikman kanina for I have to attend a binyag earlier this morning. This is it. Isa-isa ko ng huhusgahan ang mga pagkain ala chef. It's tikiman time!
•Pancit Palabok- Hmmm… it tastes delicious huh. I must say na masarap ang pagkakaluto niya, tamang-tama yung lasa. The ingredients are kumpleto from madaming slices of boiled eggs hanggang sa tasty tinapa. This is just well-cooked. Winner ang lasa. Two thumbs up for this. (ang arti mo namang magsalita bakla. char.)
•Pancit Canton- Sobrang sarap nito (luto ni mader eh.) Kaya naman pala sobrang mahal ng presyo (Php128 per kilo) ay dahil sa heaven ang lasa. Mas pinasarap din siya ng mga sahog gaya ng squid balls, atay ng baboy, repolyo, atbp. Mas pinalinamnan din ito ng maasim na kalamansi.
•Puke cake- Noong una hesitant akong kainin siya. Napapaisip ako kung ano kaya ang lasa ng puke? Magugustuhan ko kaya ito? So ayun tinikman ko na siya. Owemgee, masarap din pala ang puke (yung cake ang tinutukoy ko!). Manamis-namis ang taste. Mamasa-masa din ito dahil galing sa ref. Panalo ang lasa ng puke (cake) ni pinsan. Gusto ko yung iba't-ibang layers nito. Nagustuhan ko din yung dinurog na cookies sa ibabaw. Lavettt!!
Mauubos ko na. |
•Baked Spaghetti- Although sawa na ako sa spag (as I have said a while ago) eh nagustuhan ko pa rin itong spag na niluto ni pinsan dahil sa ito'y baked (maiba naman.) Infurhnez masarap ito unlike sa niluto niyang spaghetti few weeks ago na mala-suka ang texture dahil sa ito'y overcook na hindi man lang namin kinain (haha sorry cuz. I'm just stating the fact).
Masarap talaga itong spag ngayon, hindi nakakasuya at yung tipong kakainin mo talaga.
•Macaroni Salad- Hindi ko man lang ito natikman. Inubos kasi nila habang wala ako sa bahay. Imbyerna lang.
•Fruit Salad- Bigay ito ng kapitbahay. Sobrang lamig nung dinala sa amin. Galing Antartica pa ata. Yung totoo salad ba 'to o iceberg? Ang tigas eh. Muntik na nga akong kumuha ng palakol para lang mabiyak ito.
Hindi ko muna ito kinain dahil alam ko na masasaktan lang ang mga ngipin ko. Hinihintay ko muna itong matunaw saka kinain. Aking napagtanto na may mga bagay na hindi dapat minamadali. May mga bagay na hindi mo agad makukuha at kailangan mong maghintay ng tamang panahon para ma-enjoy mo ito ng lubusan. Teka, ano 'to pati salad may hugot?
Marami pa akong kinain bukod sa mga iyan kaya lang hindi ko na iisa-isahin pa dahil hindi na matiis ng konsensya ko na gutumin kayo. So tama na 'yan (insert pabebe voice here).
December 26, 2015
Saturday
Binigyan ako ni auntie at ng aking pinsan ng makukulay na ampao na naglalaman ng malulutong na pera. Halatang bago ang mga money dahil sa naka-emboss pa ang mga security features nito. Napansin ko na in particular order rin ang mga serial numbers nito indication na ito'y fresh from the bank. Thank you auntie at sa'yo na din cuz!
December 27, 2015
Sunday
Nakagawian na naming magkakaibigan ang manood ng sine tuwing Christmas Holiday. Pelikulang Beauty and the Bestie ni Vice Ganda ang aming pinanood. Sobrang punuan ang pila kaya naman sa susunod na showing hour kami nakanood.
3 out of 5 stars lang ang rating ko para sa pelikula. Maganda naman siya kaya lang I was expecting for more. Honestly nakulangan ako sa mga punchlines. Okay din naman yung istorya pero it could have been better kung nilagyan nila ito ng mas nakakaiyak na drama, may twist sa ending kumbaga.
Mas maganda din sana kung ang role ni Coco ay homophobic sa umpisa and then eventually matatanggap niya ang role ni Vice Ganda. It may sound very typical pero for sure mas may impact iyon sa viewers and will definitely influence people (especially those homophobic ones) that heteros can also be friends with gay people. I know na yun naman talaga yung message nung film kaya lang in my honest opinion kinulang lang siguro 'to sa emphasis.
But even so, napasaya naman ako ng pelikulang iyon at hindi naman nasayang ang P155 na binayad ko.
The reason why I chose to watch BATB over My Bebe Love is because I am not an Aldub Fan (peace sa mga AlDubNations diyan :)). Di ko rin feel panoorin ang Haunted Mansion (and other horror films) tuwing Pasko kasi I don't want to feel scared and spoil the festive atmosphere of the Christmas season. I want to watch it but not now. Besides, kung manonood ako ng horror sa sinehan gusto meron akong kasamang lalaki (hihi).
I heard na maganda daw ang Honor Thy Father but I still didn't watch it kasi ayaw ko na nalulungkot ako tuwing Pasko. Maybe papanoorin ko na lang 'to after some days or months pero hindi ngayon.
Anubayan ang hirap ko namang ma-please. Minsan nga sinasagot na ako ng sarili ko, ang sabi: Gumawa ka kaya ng sarili mong pelikula. Ang choosy neto. haha.
7:30 pm
Pagkatapos magsine ay naisipan naming magkakaibigan na maglakad-lakad muna sa isang mall. Nabanggit ni Charee na meron daw siyang kaunting tokens sa World of Fun (WoF). Might as well gamitin na lang daw namin ngayon kesa masayang lang kung hindi. So we gave it a try.
Grabeh nemen, kung kelan matanda na ako saka pa ako maglalaro sa mga gan'to. Sa katunayan this is my first time to play sa WoF kasi wala talaga akong kahilig-hilig sa mga ganyan even when I was just a little kid. Since nandun na kami nina prendsyips eh di sige gora na itez kahit awkward atang tingnan.
Una naming sinubukan yung basketball thingy. Naka-86 points ako and apat na tiket ang lumabas (hindi na masama sa isang non-basketball player like me). Meanwhile, isang tiket lang ang lumabas kay Charee. Pano ba naman eh ang lamya niyang magpa-shoot ng bola bwahaha.
The next thing we did was ni-try yung driving chuchu. Makikita sa screen yung place at kalsada na dadaanan. Siyempre dapat 'wag mabunggo at manatiling umaandar. Kumpleto siyempre ito sa manibela, kambyo, at break.
Pare-pareho kaming walang alam sa pagda-drive pero ni-try pa rin namin. Nakakatuwang panoorin si Charee na may pasigaw-sigaw pa dahil yung sasakyan niya eh kung saan-saan nabubunggo. lol
After 3 minutes. It's my turn. Ako naman ang susubok. Nabilib sila sa'kin dahil para daw akong expert magmaneho considering na wala nga akong kaide-idea sa pagda-drive. Ito namang mga prendsyip ko naging idol ako agad. Chamba lang 'yan mga teh.
I had so much fun. Na-feel ko ulit maging bata kahit sa loob lamang ng ilang minuto. Ang saya pala.
Bago tuluyang umuwi ay sunod naming pinuntahan ang Peñaranda Park na napapalamutian ng mga ilaw. Dito nakatayo ang Christmas Tree na yari sa Karagumoy. Gusto sana nila akong piktyuran pero ayoko. Sabi ko ako na lang magpi-picture sa kanila pero ayaw din nila. Walang naganap na picture'an dahil dun. lmfao.
December 31, 2015 (Thursday) to January 1, 2016 (Friday)
Umaga pa lang ay abala na kami sa pagpe-prepare ng ihahanda para sa New Year. Ilan sa mga pagkaing aming niluto ay ang mga sumusunod: pancit palabok (ulit), lumpia shanghai, pizza roll, macaroni salad, cake, etc.
Di rin siyempre mawawala sa lamesa ang mga bilog na prutas gaya ng pomelo, dalanghita, dalandan, chico, mansanas, peras, castañas (na hindi naman bilog), longgan, chesa, atbp.
Pagsapit ng gabi ay may nagbigay ulit sa akin ng ampao na naglalaman ng pera. Limpak limpak na naman ang aking salapi ngayong New Year. Naging masagana ang pagsalubong namin dito. Sana'y manatiling masagana ang aming pamumuhay all year round.
More than having different food on our table, pinakamasaya pa rin sa lahat ang idea na kasama ko ang aking family na sinasalubong ang Bagong Taon. It symbolizes na sama-sama naming tatanggapin ang mga biyayang ipagkakaloob sa amin this year at sabay sabay rin naming haharapin ang mga anumang problema na maari naming pagdaanan ngayong taong 2016. We will stand as one!
Before I end this post, nais ko kayong batiin ng
Cheers to good life mga ka-chika!
Cheers sa puke cake! Hahaha! Happy new year!!!
ReplyDeleteHahaha. Puke cake talaga ang nagdala. Happy New Year din sa'yo Mr. Tripster!
DeleteI love pancit bato :) lalo na kapag medyo ma-sauce ung pagkakaluto :)
ReplyDeleteHappy New Year AB, dami mong kaperahan ha, libre mo kami sa sine :)
Since I was a kid pancit bato na ang niluluto ni mudra (uso kasi 'yan dito) kaya naman ngayon medyo sawa na ang panlasa ko at naghahanap na ng ibang taste.
DeleteGrabe naman yung mapera. Hindi naman masyado. hehe.
Masaganang New Year po sa'yo sir Jep Buendia! :)
Tuwing umuuwi ang nanay ko from Bicol, hindi nawawala sa pasalubong ang pansit bato na yan :) At siguro nga nakakasawa rin pag lagi mong nakakain :) Pero dahil minsan lang yan sa amin kaya we all love it hahaha.
Deletedaming ampao ha!
ReplyDeletehappy new year tehhhh! naexplain ba ng mabuti bakit puke cake ang puke cake?
Hindi ko rin alam why was puke cake named as such. I tried to Google it pero walang lumalabas (malamang mali yata ang ispeling ko).
DeleteHeniweis, Manigong Bagong Taon din sa'yo nyabach0i!!
Happy New Year! Nagutom ako after looking at pancit. #midnightcravings
ReplyDeleteNakakagutom talaga. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung lasa.
DeleteHappy New Year din sa'yo Simon!
UPDATE:
ReplyDeleteWith the help of pareng Google, napag-alaman ko na ang totoong pangalan ng puke cake ay "oreo poke cake" and of course the correct pronunciation is 'powk-keyk'. Shetty. Pinagtripan talaga kami ni insan. She made us all believe na puke talaga ang pangalan niyan porket wala tayong alam sa pagbe-bake. hahaha. Nevertheless, it made us all laugh naman somehow. Good thing wala pa akong pasok ngayon dahil if ever meron marahil tinanong kami ni prof kung ano ba ang kinain namin noong Pasko and baka ang maisagot ko ay "I ate puke cake and I loved it!" hahaha. Nyetang puke na 'yan.
Happy New Year sayo Beki ... daming ganap ha in fairness ... I love pansit bato too siguro nga dahil minsan lang makatikim niyan he he ... nubayang Puke Cake na iyan huh , ayoko niyang matikman please ha ha ha ... in fairness daming namigay ng ampao sayo huh , ako ampaw na ang pera ko , ibig sabihin wala nang laman ang wallet ko ha ha ha : )
ReplyDeleteNatanong ko nga kay mudra kung uso ba 'yang pancit bato diyan sa Maynila at ang sabi niya ay hindi daw masyado. he he
DeleteAko naman ang nagke-crave sa mga pancit diyan sa Maynila. Madaming choices kayo samantalang dito medyo limited pa.
Buti naman yung pera ko hindi pa nagagastos. Actually meron pa nga akong natitirang pera na bigay sa akin noong 2014 pa. Tehrey diba? Ang kuripot lang. haha.
Eniweis, Happy New Year din sa'yo Teh Edgar!