Friday, November 7, 2014

Traydor si Friend (Part 1)

Naranasan mo na bang matraydor ng kaibigan? Masakit diba? Naranasan ko na rin 'yan at ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayon.
[Sinadya kong palitan ang kanilang mga pangalan upang maitago ang kanilang tunay na katauhan.]

--------------------------------


Taong 2011, huling linggo ng Mayo.

Tumungo ako sa aking paaralan para sa Brigada Eskwela. Pagkarating dun ay agad kong sinimulan ang pagwawalis, pagda-dust pan, at pagtatanggal ng mga ligaw na damo. Isa lang ang kasama kong naglilinis sa lugar na iyon, ang aking bagong kaklaseng lalake na hindi ko pa kilala. Habang patuloy ako sa pagwawalis ay napansin kong gwapo pala siya. Napa-WOW akez sabay tambling ng 20x. (CHOS! Biro lang! Hindi ganon.) Moreno siya at matangkad, singkit din ang kanyang mga mata, at higit sa lahat ang lakas ng appeal niya, swabe pang kumilos.



Ano kaya ang pangalan niya? Well, hindi ko siya tinanong dahil mahiyain nga kasi ako. Ayun, tahimik lang kami pareho at hindi nag-uusap hanggang sa natapos din.

Pumasok na kami sa classroom para pirmahan ang attendance sheet. Si crush ang naunang nagpirma at ako naman ang sumunod. Sa attendance sheet ay dun ko nalaman ang kanyang pangalan—Rick. Infairness, gwapo din ang pangalan, bagay sa fes niya.

After that, umuwi na ako sa bahay. Excited na ako at gusto ko na mag-June para makita na siya  araw-araw. Pero kailangan ko pang maghintay ng isang linggo. Balak kong makipagkaibigan sa kanya, kaibigan lang naman!


1 week after. Month of June.

Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinahihintay ko. Nakita ko na naman si Rick, my crush! Nasilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha at ang kanyang mga matang tila nangungusap. Kinikilig talaga ako!

Balak ko sana siya kausapin kaso wala akong nakitang pagkakataon. Mahina kasi si bakla sa mga ganyan. Syeet, ba't pa kasi ako naging mahiyain.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong tumungo sa aking kababatang si Ina para makipagchikahan.

“Uy girl, alam mo ba may pogi akong classmate!? Crush ko siya!” ganyan ang aking pagkakasabi habang abot tenga ang aking ngiti sa kilig.

“Talaga? Anong name?” ang kanyang tanong na parang kinikilig din.

“Rick.” akin namang sagot.

Nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan. Masarap ka-chika si Ina. By the way, lemme tell you about how we became friends. Ganito ang kwento:

Nagkakilala kami ni Ina nung kami ay parehong limang taong gulang pa lamang. Kami ay naging magkalaro dahil malapit lang ang aming mga bahay. Ngunit pagtuntong namin sa Grade 5 ay pinagbawalan na siyang makipaglaro sa amin ng kanyang masungit na Tita. Ang ugali ng kanyang Tita ay mala-Miss Minchin ngunit ang anyo nito ay mala-Princess Fiona (or Shrek? hahah.) Simula nun ay di na kami madalas na nakakapaglaro. Nakakapag-usap pa rin naman kami pero minsan nalang. Close naman kami pag nag-uusap bilang magbarkada ngunit di kami lubos na naging emotionally attached sa bawat isa na tulad ng isang matalik na magkaibigan.
Hindi gaanong maayos ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Magulo ito. Wala siyang kinalakhang ama o father figure. Kasama pa nila sa bahay ang kanilang Titang nagre-reyna-reynahan. Laging may bangayan sa loob ng kanilang tahanan. Dahil di niya nae-enjoy ang kanyang childhood e nagrebelde siya at naghanap ng atensyon mula sa ibang tao at ito'y kanyang nahanap sa kanyang mga bad influence klasmeyts.
Hanggang sa siya ay lumaking may kakatihan sa lalake at baka mas malandi pa nga sa akin.

O siya, balik tayo sa main story.

Days passed, napansin ko na lang na napapadalas ang pagbisita ni Ina sa aming classroom tuwing breaktime (pareho ang school namin). Akala ko nung una ay ako ang kanyang ipinunta ngunit mali pala ako. Guess what? Si Rick ang pakay niya! Sila ay nagchi-chikahan. Wow ha, naunahan pa 'ko ng babaeng 'to. Friends pala ni Ina ang friends ni Rick, kaya ayun naging mag-friend at close na sila.

Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nagkakalapit ang dalawa, samantalang ako heto nga-nga-els.  :-0
Araw-araw na pumupunta si Ina sa aming classroom at walang humpay siyang nagpapa-cute sa binata. Pá-cute siya, pá-cute!
Nakaramdam ako ng pagkainggit. Alam kong labis silang nag-eenjoy sa kanilang paglalandian samantalang ako ay naroon sa sulok, nakatunganga, at napapakanta nalang ng kanta ni Angeline Quinto:

♪♪Kunin mo na ang lahat sa akin
        wag lang ang aking mahal
        Alam kong kaya mong paibigin siya
        sa'kin maagaw mo siya
        Pakiusap ko sayo magmahal ka
        nalang ng iba

        Kunin mo na ang lahat sa akin
        Wag lang ang aking mahal
        Ikamamatay ng puso ko
        'pag sa aki'y inagaw mo siya
♪♪    ♪♪     ♪♪

May kalandian talagang taglay itong si Ina. Sabagay may pinagmanahan kasi. Alam niyo bang iba't-iba ang tatay ng kanyang mga kapatid. Ang lola niya naman ay namikot kaya napasakamay nito ang kanyang lolo.  Hodevaah! Perfect silang example sa BIOLOGY para sa lesson na Genetics→Heredity. Bongga!

Pagkalipas ng isang linggo ay napapansin kong madalas ang pagchi-chismisan ng mga klasmeyts kong babae habang nakatingin sa akin. May pangisi-ngisi pa ang mga bruhilda! Malamang ako ang kanilang topic. Ang isa sa kanila na si Rosalie ay tumayo at naglakad patungo sa aking kinauupuan. Siya ay nagsalita:

“Totoo bang crush mo si Rick?” ang deretsahang tanong niya na todong nakapagpawindang sa buo kong pagkatao.

Nagulat ako sa tanong niya. Nabalot ako ng matinding kaba at hindi ko alam ang isasagot ko.

“Hindi totoo yun, wag kayong maniwala.” aking pagkakaila.

Pagkatapos niyang marinig ang sagot ko ay agad naman siyang lumisan na halatang di naniwala sa aking pagsisinungaling. Paano niya kaya nalaman ang aking malaking lihim. Isa lang naman ang pinagsabihan ko kundi si…wait…Omg…si Ina! Hayuf siya! Bakit niya 'to ipinagsabi sa iba.

Image from www.quotespoem.com
Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong pinuntahan si Ina. Kakausapin ko lang naman siya. Wag kayong mag-expect na may sabunutang magaganap.

Pagkarating ko dun ay agad ko siyang kinausap.

“Bakit mo sinabi sa iba yung sikreto ko?” tanong ko.

Aba, walang tugon ang gaga, pangisi-ngisi pa! I need an explanation. I deserve an acceptable reason. Pucha! Ayaw talagang sumagot. Mukhang wala talaga akong makukuhang sagot from her kaya umuwi nalang akeli. Nakakagigil ang Fota! Haixt. Sarap sungalngalin ng steel wool na may uling!


Itutuloy

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Read Part 2 here.)

5 comments:

  1. go tiradurin mo na si girl na haliparot ... marami kaming backers mo he he : )

    ReplyDelete
  2. bakit hindi ko makita ang follow button sa blog mo Anon Beks? :(((

    ReplyDelete
  3. nakaka-relate ako sa istorya mo teh! pero badesa mae rin ang ka-kompetisyon.

    ReplyDelete
  4. ouch! kung ako, aalis nalang ako sa lugar kng saan may naglalandian.. hehe

    https://www.lavinajampit.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. @ Edgar Portalan-->hahahah :-D
    Sori wala akong tirador but meron ako ditong machine guns, heto nga nakatutok na sa kanya. Oh mga bakla heto oh tig-iisa tayo. Pumwesto na, itutok sa ulo ng malanding yan, ikaw itutok mo sa boobang, ako naman itututok ko sa anez niya dahil diyan nanggagaling ang taglay niyang kakatihan. Oh ready na ba? Okay one…two…three…FFIRRRREEEE!!!!!!!

    Chos!

    @ Rix--> Nilagyan ko na po.  :-)

    @ Nyora--> Naranasan mo din pala Madame.  :-(
    I-blog na yan, interesting eh!

    @ Laviña Jampit--> Ouch talaga. Gagawin ko na sana yung tulad ng sinabi mo pero di ko pa rin nagawa. Siguro'y nag-eenjoy din akes kahit papano sa aking nasasaksihan. Charaught!
    Thanks nga pala sa pagbisita sa aking blog!

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺