Obviously, belated na naman itong post ko. But I promise, ang susunod kong post ay latest chika na.
credits to the owner of the pic |
June ng last year nang nilikha ko ang blog na ito. Wala pa talaga sana akong balak na mag-blog nung mga panahong iyon dahil di pa ready yung mga stories ko at pati nga yung blog header & blog background ay hindi pa handa. Ang gusto ko lang that time eh ang mag-exist ang blog kong ito at saka na lang ako magba-blog ng bongga kapag na-prepare ko na ang lahat.
June 27, 2014 ang date kung saan isinulat ko ang aking first post. Sinulat ko ang post na iyon para if ever na may mapadpad man na readers alam nilang nire-ready ko pa ang aking mga kwento. Di ko naman in-expect na may magco-comment pala agad-agad at sinabing excited na raw siyang mabasa ang aking susunod na mga chika. Dahil dun napilitan akong simulan karakaraka ang pagba-blogging dahil ayaw ko naman silang pag-antayin ng ilang months. Doon na nag-start ang pag-eksena ko sa blog world.
Na-inspire akong mag-blog dahil sa mga bloggers na dati ko nang nababasa. Napapasaya nila ako sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga sinulat tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Doon ko napagtanto na gusto ko rin magsulat. Everyone has their own story and I want to share mine to the world.
Iniisip ko dati, may tatangkilik kaya sa blog ko? May magbabasa kaya dito lalo na't bata pa ako, makaka-relate kaya sila sa'kin kahit na magkalayo ang aming mga edad? Iyan ang mga katanungan na iniisip ko dati. Ngayon, na-realize ko na di ko naman pala kailangang mag-isip ng sobra. Happy ako dahil meron naman akong mga nauto na readers at kasalukuyan silang nagbabasa ngayon, hehe biro lang.
Iniisip ko din dati kung tungkol ba sa ano ang magiging laman ng blogerya ko. Meron kasing blogger na ang kanyang blog ay tungkol sa mga pageants, yung iba naman tungkol sa iba't-ibang information under the sun, meron ding food blogger, may blog tungkol sa mga kathang-isip na mga kwento at marami pang iba. At first medyo nahirapan akong mag-isip. Dapat kasi hindi copy-cat, hindi dapat gaya-gaya. Eventually, naisip ko na ang pinakamagandang maii-share ko, ay ang kwento ng makulay kong buhay. Nagustuhan ko ito dahil mas personal, mas may puso. Aside from that, naisipan ko ring mag-share ng mga aking mga chikang kung minsan ay wala namang katuturan, hahaha, pero alam ko sa sarili ko na nakapagbibigay ako ng ngiti. Gusto ko kasing ibalik ang saya na naidulot sa akin sa tuwing nagbabasa ako ng mga kwento ng mga bloggers. Masaya ako kapag nakakapagpasaya ako. Sa buhay na kabi-kabila ang problema ay kailangan nating ngumiti kahit paminsan. Kaya don't forget to smile.☺
Sa one year na aking pagsusulat, ang paborito kong naisulat ay ang post na may pamagat na Ako ay Sirena, Ibon, at Paru-paro. Ito ay isang talinghaga na sinulat ko na sumasalamin sa akin bilang isang beking nakakubli sa loob ng closeta. Paborito ko ito dahil para sa'kin dito ko pinakana-express ang sarili ko, dito ko pinaka-napahayag ang laman ng aking damdamin.
Meanwhile, ang pinakamabenta naman sa madla ay ang post ko na may pamagat na Paano Mapapaibig ang Lalaki? Dagsaan pa rin ang napapadpad sa post kong iyon na karamihan sa mga readers ay naghahanap lamang ng kasagutan kay Mr. Google. Heto ang ilan sa mga keywords nila:
• paano mapapaibig ang crush na lalaki
• paano mapaibig ang mga lalaki
• paano mapaibig ang isang lalaki
• paano mapaibig ang kalalakihan
• paano mapainlove ang mga lalaki
• paano mapapaibig ng bakla ang lalaki
• magmamahalba ang lalaki sa bakla
• paano maakit ang straight guy
• paano makamit ng bakla ang lalaki
• paano makamit ang straight na lalaki
Obvious naman sa keywords na naglipana ang mga single na kaluluwa na pati internet ay sinusuyod para lang makahanap ng solusyon sa kanilang problemang pag-ibig. Sa mga readers na napadpad sa post kong iyon, sana naman nakatulong ako sa inyo kahit papano at sana napagaan nito ang inyong mga buhay lol. Sana naman meron kayong natutunan sa aking mga pinagsusulat.
Sa totoo lang, madami ang kulang sa post kong iyon. Madami pa sana akong gustong i-discuss about dun sa topic. Sabihan niyo lang po ako kung gusto niyo akong mag-post muli para mas ma-elaborate ko ang aking mga tips (feeling expert). Kung ayaw niyo, ok lang.
Hindi madali ang pagsusulat ng post. Mahirap ito kung tutuusin lalo na sa akin na hindi naman bihasa sa ganitong larangan. Heto ang mga challenges ko sa pagsusulat:
1.) Delivery- Pinakaimporte sa lahat ang delivery. Kahit na maganda ang kwento kapag di nai-deliver ng maayos balewala lang naman. Kaya nagsusulat ang isang blogger ay dahil sa gusto niyang magpahayag ng kanyang damdamin. At para maunawaan ng mambabasa ang nais niyang ipahayag, dapat maganda ang delivery. Dapat maramdaman ng readers ang emosyon ng binabasa. Kapag nakakatawa ang kwento, dapat mapahalakhak din ang sinumang nagbabasa. Kapag malungkot naman, dapat maramdaman nila ang sakit. Kapag nakakatakot, dapat manginig din sila sa kaba at hilakbot. The bottomline is dapat silang maapektuhan. Dapat nilang ma-feel exactly o kung hindi man ay kahit 75.67% ng naramdaman nung blogger nang mismo niyang naranasan ang kanyang ikinikwento. Dapat damang-dama. Tagos sa puso.
Personally, bago ako magsulat, ang ginagawa ko ay nagre-reminisce muna ako para maging sariwa ulit ang alaala ng nais kong ikwento. Kapag masaya ang aking isusulat nagi-imbita muna ako ng good vibes. Kapag medyo malungkot naman senti senti din ako pag may time. Kailangan ko munang mag-internalize.
Kadalasan, gabi ako nagsusulat ng aking mga post (nagsusulat pa lang ha wala pang publish eklat). Naniniwala kasi ako na tuwing gabi pinaka-emosyonal ang tao. Doon kasi mas intense ang emotions ko. Naisip mo ba kung ano kaya ang feeling ng manood ng nakakaiyak na pelikula sa alas nuwebe ng umaga? Malamang hindi ka maiiyak kasi good vibes ka sa mga oras na iyan at masyado pang maaga para mag-emote. Iyan malamang ang dahilan kung bakit kadalasan pang-gabi ang mga teleserye. I-try niyo namang magbasa ng painful love story tuwing hating-gabi dahil paniguradong may lungkot kang bibitbitin bago ka matulog.
One time, naisipan kong basahin muli ang dati kong mga post. Masasabi kong na-achieve ko naman ang nais kong pagka-deliver ng kwento at ang emosyon na ibig kong iparating sa mga tao. Paano ko nasabi iyon? Kasi nakaka-nostalgic sa feeling, at naapektuhan pa rin ako kahit na medyo matagal ko na iyong nasulat. Binasa ko ulit yung mga nakakatawa kong post at para akong baliw na tumatawa dahil parang bumalik bigla yung mga alaala. Nagbasa rin ako ng post kong nakakalungkot, syet bigla akong na-sad. It only means na naisulat ko ang mga ito the way I imagined it.
(Try niyo rin magbasa ng mga very old posts niyo, for sure nostalgia mafi-feel niyo, pramis. Ang weird sa pakiramdam. #TryNiyoLang.)
2.) Flow ng Istorya- I admit, dito ako pinakanahihirapan and until now di ko pa rin ito ma-master master. Sobra akong nagagalingan sa mga bloggers na kahit milya-milya ang layo ng introduction at main topic ng kanyang post ay nahahanapan pa rin nila ito ng connection sa isa't-isa at napagdudugtong ang idea. Ito yung mga post na ang sarap basahin dahil napaka-smooth ng daloy ng kwento.
Anyway, since sinabi kong hindi ako masyadong expert sa bagay na ito, what advice can you give me?
3.) Writing Style- Lahat tayo ay may kanya-kanyang istilo ng pagsusulat, walang mali, walang tama. Ngunit ang magiging writing style dapat natin ay yung papatok sa general readers. Hindi ko alam kung ano ba ang best writing style pero alam ko na ang paglalagay ng kaunting humor ay isang magandang ingredient para mahalina ang mga mambabasa. Kaya ako I try my best to put a little punchline sa aking mga sinusulat (unless melo-dramatic ang post ko). It doesn't necesssarily mean na lahat ng post mo ay dapat may nakakatawa na. What I am trying to say is that making someone smile ay sapat na para masabing natuwa ang isang reader.
Ilan lamang 'yan sa mga challenges na dapat paghusayan para maging bongga ang post. Kapag bongga ang post marami rin ang magco-comment.
Speaking of comment, masaya ako dahil lagpas one year na pala tayong nagchichikahan sa comment box. I really love the comment section kasi hindi lang ako ang nakakapagkwento kundi pati na rin kayo. Kung napapasaya ko kayo sa aking mga posts ako naman napapasaya niyo ako sa inyong mga comments. Dito ko kasi nababasa ang inyong mga opinyon, saloobin, at mga reaksiyon tungkol sa aking mga sinulat. Dito nagkakaroon tayo ng extended na kwentuhan, nagkakaroon ng konbersasyon, talastasan, at baliktaktakan. Ito talaga ang matatawag kong chikahan.
Before I end this post, I just want to say thank you sa inyong lahat dahil sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking munting blogelya. Kayo talaga ang dahilan kung bakit ginaganahan akong magsulat. Salamuch sa inyo :-)
Ganito mismo ang shutawan ko sa totoong buhay. lol |
Ito po si AnonymousBeki at samahan niyo akong abangan ang mga susunod na kaganapan sa makulay kong buhay at mag-abang sa mga paparating pang non-stop na chikahan.
Belated Happy First Blogsary to us!
Wow! Happy anniversary sa blog mo! Congratumalacious Ms. Beki! We always love you, *muah!*
ReplyDeleteThanks so much Jay!
Delete*mwalaplap*
Belated Happy Anniversary Beki ... what I like most most about your blog is its simplicity ... walang masyadong eklat at escabeche he he he ... magaang basahin at madaling maunawaan kaya naman binabalik-balikan .. . just keep on blogging kahit na madalang basta hindi nawawala sa kamalayan ng blogosperyo : )
ReplyDeleteThanks for your great appreciation, and also thank you for always visiting and commenting on my blog. God bless you.
DeleteYes! Naka isang taon na rin pala :) Parang noontime show or talk show lang ang feeling hehehe.
ReplyDeleteTrowt! Ganyan na ganyan nga ang feeling.
DeleteHappy Birthday sa blog mo... More entry more fun.
ReplyDeleteMaraming Salamat Rix!
Deletehappy pers anniversary sa iyong mga likha, baks! keep on writing, teh! have a great hair day! cheers! :)
ReplyDeleteTenkyu sooo much Teh Nyora.
Delete