December 24, 2014
Wednesday, 11:00 pm
May party/Noche Buena sa aming kapitbahay na kamag-anak din namin. Um-attend doon ang dalawa kong kapatid samantalang ako ay mas piniling manatili na lamang sa aming bahay (palagi naman akong ganyan lol.)
Wala pa din ang food. Na-bored na ako kaya ako'y natulog na lang.
December 25, 2014
Thursday, 9:00 am
Nagising ako dahil sa alingawngaw ng isang babae.
“Hoy! Gumising ka na! May mga pagkain dito! Mag-almusal ka na at baka maubusan ka na naman!”, ngek. Yung nanay ko pala.
Bumangon na ako at tinungo ang dining area. Tumambad sa akin ang mga pagkain. Ito ang mga pagkaing ipinangako ng aming kapitbahay. Ang mga fudams ay baked mac and cheese, chocolate cake, leche flan, at gulaman. Ang nakakaloka pa nito ay ako na lang pala ang hindi nag-aalmusal kaya pressure sa akin na ubusin ang lahat ng ito. Hindi kaya pumutok diyan ang tiyan ko?
Nakakaumay din pala kapag andame mo nang nakain. Maya-maya ay may pahabol pa. Spaghetti at macaroni salad na galing naman sa isa pa naming kapitbahay. Nung makita ko yun parang gusto ko nang maglungad.
Masaya talaga kapag meron kang mababait na kapitbahay/kamag-anak. Sari-saring pagkain ang dadating sa iyong tahanan tuwing Pasko.
Kinagabihan, dumating si Auntie para mamigay ng regalo. Pera ang aking natanggap mula sa kaniya. Actually mas gusto ko na lang ang pera dahil ako mismo di ko alam kung anong gusto ko.
December 26, 2014
Friday, 3:00 pm
Nag-sine kami ng aking mga friends at nanood kami ng The Amazing Praybeyt Benjamin 2. Anong mase-say ko sa film? Hmmm, keri lang. But I have to say mas nagustuhan ko yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy last year kesa dito. Nabitin ako ngayon sa mga punchlines at eksena, I mean yung story. Di ko nga namalayan na natapos na pala yung pelikula, yun na yun? 3 out of 5 stars lang ito for me. Ang pinaka-naenjoy ko lang ay si Richard Yap, ang pogi kasi (harot!). At saka ang hot din ni Tom Rodriguez, sumakit puson ko (dahil sa popcorn! maalat kasi).
Parang mas gusto kong Feng Shui na lang pinanood ko. Kaya lang baka di ko kayanin, baka ako atakihin. Di ko pa talaga nata-try manood ng horror sa sinehan. At gusto ko meron akong kayakap sa tuwing matatakot ako, hehe.
Kapag sumasapit na ang December 26 parang nalulungkot ako, ewan ko ba. Feeling ko kasi parang gusto ko na ulit magpasko. Ang December 24 at December 25 ay isang araw lang ang kanilang pagitan, ngunit ang December 26 at December 25 ay 365¼ days ang pagitan nila. Nalito ba kayo? Hayaan niyo na.
Overall, na-enjoy ko naman ang aking Christmas.
“Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year!!”
24 ay we had a Noche Buena with my family and then borlogs agad ... 25 ay we get to visit our aunties and uncles and cousins sa Antipolo and had a Christmas Party there ... on the 26th ay nasa MOA at Luneta naman kami with my friends he he he : )
ReplyDelete@Edgar Portalan: Wow! Ang saya ng Christmas mo teh. Sayang di ako nakasama. Chos!
ReplyDeleteMas maganda daw ang English Only Please
ReplyDelete@Rix: Di ko pa napanood ang trailer niyan. Di ako updated kaloka. Teka, mapanood nga.
ReplyDeleteParang eventful talaga yung Christmas holiday mo. :)
ReplyDelete@Simon: Sakto lang, hehe. :)
ReplyDeleteThanks for visiting my blog!
Okay naman ang Feng Shui2. Pero iba padin talaga yung first movie....
ReplyDeleteBelated merry christmas and happy new year
@khantotantra: Dapat talaga Feng Shui 2 na lang pinanood ko kesa sa The Amazing Praybeyt Benjamin 2.
ReplyDeleteHenny waste, thanks for dropping by!