Wednesday, December 24, 2014

Christmas Party and Notches Buena

image from www.breakmystyle.com

Maya-maya lamang ay Noche Buena na! Samut-saring food na naman ang ating matitikman sa hapag-kainan. Last week lang eh kabubusog pa lang ng karamihan sa atin sa kaliwa't kanang mga Christmas Party.

Speaking of it, I really miss the Christmas Party sa school. Kawawa nga me dahil Grade 6 elementary pa nung last ko na-experience ‘yan which was 6 years ago.

I'm so malas talaga dahil hindi man lang ako naka-attend ng kahit-isa man lang noong highschool dahil sa iba't-ibang rason.

First year highschool. Wala kaming Christmas Party dahil busy sa pag-aalburuto ang Mayon Volcano (alert level 4 ito) nung mga panahong iyon at kailangang gawing evakyuweyshen cener ang aming school. Ang tanging reaction ko lang was “OK sige, may next year pa naman.”

Nung second year ay na-dissapoint lang ako dahil wala din pala ulit. I can't remember the exact reason why we had no party that time. Basta parang tungkol ata sa school, sa teachers, may seminar sila? Di ko na matandaan.

Nung third year meron naman but unfortunately eh nagkasakit ako few days before and hanggang sa mismong araw ng party. Nakakainis dahil hindi ako naka-attend at dahil yun sa pagkakasakit ko. I really hate it when my-most-favorite-time-of-the-year is here but not feeling well ako.

Pero nung fourth year talaga ako pinaka-na-imbyernadette sembrano. Ganito yun:

December na nun nung nag-o-organize na ang mga classmates ko para sa aming magiging Christmas Party. Nag-iisip na kami nun kung ano ba ang food na dadalhin at kung magkano ba ang worth ng regalo.

One week before the party ay na-shocked kami ng sinabi ni teacher na wala na daw kaming Christmas Party. My classmates asked her kung bakit at alam niyo ba kung anong sagot niya? Ayaw niya daw.
Huwaatt!?!? Nakakakulo ng blood ang rason niya, so selfish.

Siya lang ang may ayaw samantalang lahat kaming estudyante ay so excited para dito. My classmates begged her just to make her payag and sabi pa namin ay “Last year na din naman po namin dito sa school kaya please payagan mo na po kami” pero sadyang bato ang fuso ng teacheraka. Ewan ko ba sa kanya, ang damot! Nakaka-G-R-R-R-R-R as in Grrrrr!

It was like pinagkaitan ako ng kaligayahan. Kahit meron namang Noche Buena sa house eh dagdag happiness pa rin siyempre ang maka-attend ng Christmas Party sa school tuwing Pasko,  although mahiyain ako at hindi masyado nakikipag-chikahan sa mga klasmeyts eh masaya naman ako na makakita ng mga masasayang tao at makakain ng masarap na fudams.

***
Anyway,

Ano ba ang mga lalantakan niyo this Notches Buena? Notches ba?
CHARS!! Eww!

Sabi ni madir wag na daw kami mamaya maghanda. Nalungkot ako ng slight to think na every year naman kami naghahanda. Pero mejo naging excited ako nang malaman ko kung bakit. Magluluto daw kasi ng medyo marami ang aming kapitbahay at aabotan na lang daw kami nito ng food. Uso kasi sa amin ang pag-aabotan ng mga pagkain sa kapitbahay tuwing Christmas especially kapag marami talaga ang food. Kaya kahit di kompleto ang handa paminsan eh parang nakukumpleto na din dahil sa pagpapalit-palitan ng masasarap na mga pagkain mula sa mga kapitbahay.

Dun ako natuwa dahil iyon naman talaga ang diwa ng Kapaskuhan, ang pagbibigayan at pagmamahalan. Actually, hindi lang naman tuwing Pasko kami nagbibigayan kundi pati na rin kapag New Year, Birthday, at kahit ordinaryong araw lang kapag kami o ang isa sa mga kapitbahay ang nagluto ng gulay na ulam. Ang saya di ba?

O siya sige, hanggang dito na lang muna ako. Baka kasi naaabala ko na kayo sa pagluluto ng mga ihahanda niyo para mamaya. Siguraduhin niyong magiging masarap ‘yan. hehe. :) Pakihatid na rin dito sa condo ko ang mga foods right after niyo ‘to maluto. Thank you. Charozz!

Maligayang Noche Buena daw. But, make sure daw na hindi ka mahuhuling may kasamang kabit o kerido, lilipad ang keso de bola pag nagkataon. CHAR LANG!
image from www.imagenespara.net

Maligayang Pasko sa inyoMerry Christmas Philippines, USA, France, Saudi Arabia, Italy, China, Singapore, World, and to the whole Universe!!

image from caccioppoli.com

6 comments:

  1. Merry Christmas Anonymous Beki ...
    Medyo maulan dito sa Manila eh kagabi pa ... a very wet Christmas season dito samen ... sainyo ba ? God bless us all ... thanks for always commenting on my site : )

    ReplyDelete
  2. Merry Christmas din sayo Teh Edgar! Ganito din sa amin, umuulan rin paminsan at malakas talaga pero hindi naman yung walang humpay. Thank you din sayo sa always na pagbisita, kahit pa noong ilang buwan akong pansamantalang namahinga eh alam kong kinakalkal mo 'tong blog ko always.
    ♪Thank you, Thank you. Ang Babait ninyo!♪

    ReplyDelete
  3. Maligayang Pasko sa iyo :)
    Ako naman ay hindi pala-attend ng Christmas Party hahaha.
    Ayoko ng kaguluhan lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din hindi ako mahilig mag-attend ng Party (e.g. Christmas, Birthday, etc.) dahil mahiyain ako at introvert pa. Tanging sa school Christmas party lang ako uma-attend kasi kahit di ako makipagchikahan sa kanila ngitian lang keri na; di tulad sa office Christmas party ni pudra (at sa ibang party na din) na shempre kelangan kong makipag-interact sa kanyang mga katrabaho which is awkward para sa akin.

      Merry Christmas po sa inyo sir Jep Buendia! :)

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺