Kamustasa na kayo mga ka-chika? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hahabaan ko na lang itong post na 'to para sulit ang inyong paghihintay.
I hope na nasa okay kayong situation right now despite the typhoon na dumaan kelan lang. Don't worry about me dahil ako'y keribells naman. Hindi naman masyadong na-devastate ang aming lugar dahil apparently nadaan sa mga dasal. Thank you Lord. Thank you thank you for the love!
Happy din ako dahil mabilis na naibalik ang kuryente dito sa province especially sa aking siyudad. Ngayon ay kumikislap-kislap na naman ang mga Christmas lights. Nakatayo na naman ang mga Christmas Tree sa mga kabahayan na simbolo ng aming pagbangon mula sa naranasang bagyo. Simbolo din ito na life goes on. Tuloy na tuloy pa rin ang pag-celebrate ng Pasko. Balik na naman sa dati ang pamumuhay ng mga taga-rito.
Feel na feel ko na talaga ang Yuletide season. Damang-dama ko na rin ang masayang vibe sa atmosphere dala ng Kapaskuhan. Tiningnan ko ang kalendaryo. 5 days na lang pala at Pasko na. Time flies so fast talaga.
Habang tinitingnan ko ang mga numero sa kalendaryo ay meron akong naalala. Year 2015 is not really good to us. We were devastated by the death of our two loved ones this year. The first one was when my grandmother died last March. (I actually published a post about this, read here.)
Just three months after her loss, sunod na namatay si uncle from heart attack at the age of fifty nine. I know that some of you might find this topic a little late to talk about but I just remembered them especially holiday is here and I can't help but feel a little sad because this is our first time to celebrate Christmas without them. I badly miss them so much.
Tapos na ang page-emote ko sa pagkamatay ni lola. Pero pagdating kay uncle ay nae-emote pa din ako ng slight until now lalong lalo na't magbe-berday pa naman sana siya few days from now. Sana'y hayaan niyo akong ma-vent out ko sa post na ito ang aking emosyon regarding this.
Kahit anim na buwan na ang lumipas mula ng kanyang pagpanaw, I can still recall the moment nung pumunta ako sa burol ni uncle. Di ako makapaniwala na nakikita kong nasa loob na siya ng kabaong at wala nang buhay. Noong isang araw lang ay nandoon lang siya sa bahay namin at nakikipagkwentuhan kay mama. Tapos ngayon makikita kong nasa kahon na siya na yari sa kahoy, hindi ako makapaniwala.
Isa sa mga mami-miss ko kay uncle ay yung kapag bumibisita siya sa aming bahay (ilang metro lang din kasi ang house niya sa amin) ay hindi siya basta-basta pumapasok but rather kumakatok muna siya ng tatlong beses simbolo ng pagbibigay respeto sa may-ari ng bahay lalo na kapag kami ay busy like for example sa kusina. Ganon siya kagalang to think na pwede naman siyang pumasok sa house namin (dahil dati niya din namang house iyon) pero he didn't do that. Nandun lang siya sa may balkonahe o pintuan nag-aantay kung kelan lang kami pwedeng lumabas para i-entertain siya. Hindi siya tulad ng iba (halimbawa na diyan yung mga walanghiyang kapitbahay) na basta-basta na lang pumapasok sa bahay namin ng walang paalam kahit na minsan eh busy si mudra sa pagluluto ay nanghihimasok pa rin kahit sa kusina pa 'yan. Hindi ganon si uncle. Ganon siya kadisiplinado.
Hindi ko rin malilimutan ang pagiging palabiro niya. Kadalasan kapag wala kami sa sala at nagkataong dumating siya para bumisita ay kakatok muna siya ng tatlong beses at pagkatapos ay magtatago sa kung saan kaya naman aakalain naming walang tao at guni-guni lang ang aming narinig. After ilang seconds saka lang siya magpapakita at kami naman ay matatawa dahil pinagti-tripan niya na naman kami.
Sa likod ng pagiging palabiro niya ay isa siyang responsable at medyo istriktong haligi ng tahanan. Di nakapagtatakang naging matuwid ang aking mga pinsan dahil naging maayos ang kanyang pagpapalaki sa kanila. Lumaking matitino ang aking mga pinsan unlike sa mga kabataan sa kanilang lugar na mostly ay napariwara sa buhay. Kaya naman hanga sa kanya ang mga taga-rito dahil maganda ang paggabay nito sa kanyang mga anak. Napakaresponsable niya bilang ama at bilang asawa. Never siyang nambabae at walang bisyo tulad ng pag-inom o paninigarilyo.
Isa din sa mga di ko makakalimutan ay ang laging paalala niya wag na daw akong maging mahiyain. Alam niyo kasi mga ka-chika, to the ninth level ang pagiging mahiyain ko, anti-social kung maituturing. Sa kanilang bahay ay laging may nagaganap na handaan sa tuwing may birthday, graduation, fiesta, Christmas, at sa lahat ng okasyon kaya expected na lahat ay dadalo. Ngunit dahil nga sa aking pagiging sobrang mahiyain, hindi ako umaattend at hindi ko man lang pinagbibigyan ang request at invitation niya. Lagi lang ako nasa bahay, nagmumukmok. Pag-uwi sa bahay ay sasabihan ako ng mga kapatid ko ng “Hala ka. Hinahanap ka ni uncle. Bakit hindi ka raw pumunta sa bahay niya.”
Ganon lagi ang eksena. Laging niya akong hinahanap dahil sa absent ako sa pagtitipon. Pero lagi pa rin akong wala at hindi dumadalo kahit anong yaya nila.
Sa burol ng uncle ko ay naisipan kong pumunta. Sabi din kasi ng mudra ko eh kailangan akong bumisita dahil baka ako'y multuhin niya. Pero more than that, pumunta ako dun dahil gusto ko talaga.
Dumating ako sa kanilang bahay. Pagkakita sa akin ng pinsan ko ay bahagya siyang napangiti dahil sa bumisita ako. Nagwika siya kay auntie ng: “Paniguradong tuwang-tuwa ngayon si papa dahil nandirito ka.”
Nung narinig ko yun somehow may kirot iyon sa aking puso. Medyo nalungkot ako.
Dinungaw ko si uncle na nasa kabaong, pinagmamasdan ang kanyang labi. Hindi talaga ako makapaniwala na nasa loob na siya ng ataul. Nagwika si auntie at nagsabing “Buti naman bumisita ka. Alam mo bang palagi ka niyang hinahanap sa tuwing may okasyon?” Medyo naiiyak si auntie habang sinasabi ang mga iyon. “Pero ngayon, nandito ka bumisita kung kelan wala na siya.”
Parang hiniwa ang puso ko sa narinig ko. Umiiyak na noon si auntie. Parang naluluha na rin ako. Sabi ko kanina sa sarili ko hindi ako iiyak pero ngayon parang may nangingilid ng luha sa mga mata ko.
Tama si auntie. Palagi akong hinahanap ni uncle sa tuwing may occasion, nagtatanong kung nasaan at bakit wala ako. Sobrang bibihira ako pumunta sa bahay nila. Pero ngayon, muli akong umapak sa tahanan nila kung kelan wala na siya. Kung kelan hindi na siya humihinga. Kung kelan hindi niya na ako nakikita. At ako naman, nakikita ko nga siya pero wala ng buhay, hindi na gumagalaw.
I really tried my best not to cry, but I failed. I cried buckets of tears. Kinulang ang tissue nila dahil pinampunas ko lahat sa bumabaha kong luha. Basang-basa din ang dala kong panyo na aakalain mong bagong laba dahil nalunod ito sa aking pag-iyak.
Guilt was eating me up that moment. I looked down in shame. I didn't know how to react. Sobrang nahiya ako sa sarili ko noon.
After ilang minuto, nagpaalam na ako sa kanila at sinabing ako'y uuwi na. May pasok pa kasi ako sa hapon at di pwedeng ma-late. Bago pumasok ay nagpulbos muna ako para hindi mahalata ang namumugto kong mata at matakpan ang namumula kong ilong. Pumasok ako sa school na may bitbit na lungkot.
***
Sa ngayon, tanggap ko na din naman na wala na sila ng lola ko. Pero siyempre dahil mahal ko sila, may mga times na di maiwasang ma-sad whenever I think that they're already gone. Lalo na't ngayon ay magpa-Pasko na. Hindi ko maiwasan na maisip sila. Christmas will never be the same again. Pero for sure they are now on better place looking down at us. Malay ko at malay mo nandiyan lang sila sa paligid at makasalo namin sila sa darating na Noche Buena without knowing it.
Hays. Pasensya na kung nalungkot pati kayo. I am supposed to be happy. Pero don't worry, after this alam ko na sasaya din ako dahil finally na-vent out ko na ang emotions ko.
O siya sige, goodbye muna for now. Advance Merry Christmas mga ka-chika!
This is so sad, AnonymousBeki. I hope you can recover soon from your family's loss. Dapat na rin siguro na i-build up mo ang self-confidence para hindi masyadong mahiyain. I was like that before pero I needed to change for myself. Mas magiging happy si uncle sa heaven 'pag na-reverse mo ang pagiging mahiyain.
ReplyDeleteKisses and hugs,
Bb. Melanie
Feeling better na ako ngayon kasi nailabas ko na din finally ang aking saloobin. Salamat Bb. Melanie sa lahat ng iyong sinabi.
DeleteOo nga nag worry me ng slight dahil sa
ReplyDeletedevastation jan sa Albay due to Nona but glad to know na okay naman kau jan at saka ung mga relatives q din jan sa Camsur ... sad for ur uncle though at heed the advice of Ateng Melanie dahil hindi ka jan mamamali ... smile Beki : )
Salamat teh Edgar sa pag-aalala. Ok naman kami dito. Napakamabisa talaga ang dasal na Oratio Imperata laban sa mga sakuna. Hindi kami pinabayaan ni Lord.
DeleteI know na masaya sya kung nasaan man sya ngayon. Merry Christmas Anon Beks
ReplyDeleteI believe so.
DeleteMerry Christmas din sa'yo Rix.