Busy na naman ang inyong lingkod kaya naman di ako nakapag-update agad. Monday last week nang nag-resume ang aming classes after the sembreak. 2nd semester na mga teh, bagong simula. Kasabay nito ay na-shock ako dahil may naganap na reblocking. Yung mga dating blockmates ko noong 1st sem, ngayon nagkawatak-watak na. Mga 15 na lang ata ang natirang original, the rest napunta na sa ibang section, I mean sa ibang block.
Medyo nalungkot ako nung nalaman kong magkakaroon ng reblocking. All I thought kasi was yung blockmates ko nung unang semester ay magiging blockmates ko pa rin until now. Chika ng kaibigan kong si Charee which is 2nd year college na ngayon sa parehong university, yung blockmates niya noong 1st year, blockmates niya pa din daw hanggang ngayon; and probably blockmates niya pa rin until she graduate. Buti pa sa department nila ganun ang sistema. Ewan ko ba kung bakit may reblocking ekek sa aking course. Siguro depende ata sa trip ng department.
Naalala ko yung mga dati kong blockmates. Super mababait lahat. Walang bully. Walang annoying. Mami-miss ko talaga sila. Alam niyo bang last year ay panay yung dasal ko na sana 'pag college ko ay friendly ang aking maging blockmates. Binigay naman ni God, pero nagbago ito ngayong ikalawang semestre.
Somehow there is a part of me saying na okay na rin siguro na hindi ko sila naging super close, kasi if oo malamang mas malungkot ako ngayon. Isa pa naman sa mga pinakaayaw kong feeling ay yung magkakaroon ako ng kaibigan, and then magiging close kami, pagkatapos mag-iinvest ng memories from each other, tapos darating na lang bigla yung time na kailangang maghiwalay. I hate that feeling. I hate goodbyes. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit medyo hesitant akong makipagkaibigan sa isang tao especially kapag alam kong mawawala din naman siya agad-agad. Medyo senti pa naman ako pagdating sa mga nagdaan at nakalipas. Nostalgia hit me so hard. Medyo mahigpit kasi ako kumapit sa memories, especially those beautiful ones.
Sa ngayon, I feel like nasa ibang planeta ako, ang daming "alien", o kaya ako yung alien. Hindi ko pa kilala ang mga new blockmates ko. Strangers pa sila for me. Parang back to the basic, let's go back to getting-to-know-you eksena ulit. Adjustment na naman itey. And now I'm starting over again, it's not the easiest thing to do.
Sana naman mababait ang mga new blockmates ko. But, I hardly believe na magiging close ang lahat kasi I can see na meron na silang kanya-kanyang barkadahan o company (na nabuo nila noong 1st sem) so malamang maliit lang ang chance na mag-reach out sila sa ibang hindi pa nila kakilala. Pero sana mali ako. Gusto ko maging united kami just like nung unang sem.
∞∞∞∞∞
PBB 737 Big Night at ALBAY ASTRODOME photo grabbed from Joey Constant Kindness Salceda Facebook Account
©ShantiSerrano
|
PBB 737 Big Night at PEÑARANDA PARK ALBAY photo grabbed from Joey Constant Kindness Salceda Facebook Account
©ShantiSerrano
|
Nanood ba kayo ng PBB Big Night? Ako oo, pero sa bahay nga lang. Approximately 1 kilometer lang ang distance ng venue from my house pero hindi ako nakapunta dahil una: nagkaubusan ng ticket, 4 hours ang pila. Actually hindi naman ako pumila, expected ko naman kasi.
Pangalawa: ayaw kong makipaggitgitan at makipagbalyahan sa maraming tao, baka mapagsamantalahan pa ang bubot kong shutawan. Pero yung sister ko, umattend siya. Pag-uwi ayun masakit ang buong katawan, parang na-bugbog award. Naisip ko, siguro ganun din ata ang nararanasan ng mga commuters ng LRT.
Sabi ng sister ko, di na daw siya uulit. Sabi naman ng cousin ko, pinagsisihan niya na daw na dumalo siya. Nyahahaha. Mas maganda pa rin manood sa bahay, mas relax, less hassle.
Pasensya na ha, saliwa ang kwentong ito sa first topic. Wala lang. Gusto ko lang i-share bakit ba.
***
First photo grabbed from 52-club.blogspot.com
College problem. Ganyan din ako mula 1st hanggang ngayong 4th year pero nabawasan naman. Hehe.., Maski ako, na-culture shock kasi ganyan ang set-up kaya ramdam kita. May mga bagay kasi na kung kailan attached na tayo rito e nandiyan na ang goodbye kaya payo ko na dapat masanay ka na sa pesteng come-and-go principle.
ReplyDeleteAnd... hindi ko na namalayan, sa sobrang dami ng ginagawa, na tapos na pala ang PBB 737. Wala na kasing oras sa pagsusulat, manood pa kaya ng TV, haha., November na pala :D
Alam mo ang mas mahirap nito ay yung wala akong kaalam-alam na ganon ang magaganap. Di ako prepared. Nabigla ako.
Delete#MalingAkalaKasi
O ayan, kailangang masanay sa biglaan, ha. Basta, 1 to 5 lang yung items ng surprise quiz, puwede na! Ahahaha!!!
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteGanyan talaga ang college life kaya masanay ka na. Wag masyadong mgpaka attached . At relate sa second topic mo ha which is PBB 737 na kung kelan sobrang attached na sila and at home sa isat isa saka naman pinaghihiwalay at pinalalabas ng bahay ni Kuya ha ha ha. Inggit nga ko at jan sa Albay ginanap ang Grand Finals at nanghinayang ako for you dahil ilang tumbling na lang pala jan sa inyo ay hindi ka pa naka-attend he he he .
ReplyDeleteMahirap atang wag masyadong ma-attached sa isang tao. Imagine, hindi ko naman nga sila naging super close yet na-sad na ako ano pa kaya kung naging prendsyip ko sila dibah. Mahirap. Mahirap.
Delete--
Habang nanonood ako ng PBB sa tv ay naririnig sa amin yung hiyawan ng mga tao. Parang gusto ko ngang lumipad papuntang venue that time pero iniisip ko na lang yung sinabi ng kapatid ko. At tsaka baka di ko din ma-enjoy kung naupo kami dun sa pinakadulo.
isa ako sa magiging masaya na makitang makatapos ka ng iyong paglalakbay sa kolehiyo... hindi ka nahuhuli sa mga experience.. sa university o sa labas man matalas ang memory mo sa details... relate ang nagbabasa.. buti ka pa Eskwela Bahay Eskwela Bahay ni Kuya lang...
ReplyDeleteMahirap din sir kahit bahay-eskwelahan lang. Stress ako lagi sa school.
DeleteI know how it feels. Ako inilipat sa ibamg branch. Bagong team, bagong working rhythm. Back to zero ulit ako. Pero ok na rin. May cute akong kasama at isang machong pinoy. Grabe, parang gusto ko lagi makaluhod sa harapan niya at buksan ang zipper ng pantalon niya everytime na makita ko siya. Hahaha! Pero magiging maayos din ang lahat. Tiisin mo lang yan.
ReplyDeleteAs for PBB. I never liked the concept. Ewan lang...
Mag ala-rockstar ka na Mr Tripster. Try mo nang 'mag-headbang' while kneeling down. Hahaha.
Delete