Sweet na sweet na naman ang mga couples. Pero marami pa din ang mga single. Kung isa ka sa kanila, wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa, madami kayo. KAYO!? :)
Char! Siyempre kasapi din ang inyong lingkod. Kung single ka, wag ka nang malungkot. Gayahin niyo na lang ako.
Kahit wala akong jowa ay feeling in love pa rin ako. Ito ay sa pakikinig lang ng mga romantic saxophone music. Very relaxing kasi at talaga namang nakakainlab ang musikang ito. Yung kahit wala kang jowa eh pakiramdam mo ay in love ka. Yung kahit na wala kang partner eh pakiramdam mo ang taas taas ng (love hormone) oxytocin levels mo sa katawan.
Tatlo sa pinakapaborito kong saxophone music ay ang mga tinugtog ng sikat na American saxophonist na si Kenny G. Di nakakasawa ang kanyang musika. Kapag ito'y iyong marinig mararamdaman mong parang ikaw ay nasa alapaap.
Isa-isahin natin ang tatlo sa pinakapaborito ko.
Forever in Love
Intro pa lang ay napaka-romantic na, lalo na siyempre ang chorus. Bawat nota (I am referring to the music huh) ay nanunuot sa aking puso't kaluluwa. Hearing this kind of music feels like I am floating on cloud 9. I can't explain why I am so affected by it. Ang alam ko lang peyborit ko 'to. Forever in love ako sa ganitong musika. ♥
(Hintayin mo namang matapos ang tugtog bago ka mag-move on sa next music. 'To naman, nagmamadali!? Sumandal ka muna sa upuan at ipikit ang iyong mga mata. Damhin mo ang musika.)
Silhouette
I'm sure na familiar sa inyo itong music na 'to. I assume na narinig niyo na 'to before. Honestly, di ko alam ang exact meaning nito. Pero base sa title at sa mismong tunog nito, hmmm, parang alam ko na. Teka nakikiliti ang tenga ko hanovah?? This music is so sensual. Pwedeng pang-kama. Hoy iba ata iniisip mo! Kung sabagay, iba-iba tayo ng nai-imagine.
For me, ang nai-imagine ko ay lovers na magkaakap sa kama. Mahimbing na natutulog. Nakasandal ang ulo ni girl sa dibdib ni boy. Hihi, nakakakilig.
O kaya, pwede din namang magkatabi si boy at si girl sa duyan. Ganun din, sandal-ulo si girl sa machong dibdib ni boy. Akap-akap naman ni boy ang likod ni girl. Nasa tabing-dagat sila. Very romantic ang place. Ang ganda ng paligid. Sabay nilang pinanonood ang romantikong paglubog ng araw.
The Moment
My own interpretation for this music is about the moment you've finally found the right one. This is the moment where you will realize that in spite of all the pain and burdens that you went through in the past, someone will fix your broken heart. Someone will make you feel complete and will love you the way you deserve to be loved. Someone who will convince you that you should not be afraid of falling in love again.
Maybe you've already found him, or maybe not yet. But don't lose hope.Who knows, maybe he's on his way to find you.
Before I end this post, let me greet you Happy Valentines and Happy Love Month! ♥♥♥
Happy Valentines din sayo Beki .... sali ka na sa grupo namin ang SWAK .... Samahang WAlang Ka-valentines he he he : )
ReplyDelete@ Edgar Portalan: Ay gusto ko yan! Magkano ba pagpa-member diyan lol? Infairness sa ating mga SWAK, mas marami ang bumabati sa atin ng Happy Valentines dahil tayo-tayo lang namang mga member nito ang nagbabatian he he :))
ReplyDelete