“Good morning po ma'am. Magpapapirma po ako ng clearance.” magalang na sabi ko.
Umupo ako sa chair while waiting na matapos ang kaniyang paglalagda. Ngunit sa halip na pirmahan agad ay tiningnan niya muna ang aking papel at siya ay nagtanong sa akin.
“Kumusta naman ******** ang pag-aaral mo this college?” tanong niya sa akin.
“Okay naman po,” ang magalang kong sagot.
Nase-sense ko na may magaganap na one-on-one interview between us, siya ang host at ako ang guest. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan. Dapat pala sumabay na ako sa iba kung blockmates nung nagpapirma sila dito two days ago. Ang tanging pinagawa lang sa kanila noon ay ang i-recite ang Mission/Vision ng aming university; and I assume na hindi naman sila nilahat kasi madami sila.
Hinihiling ko that moment na sana pirmahan niya agad ang aking clearance para makaalis na ako right away. Ngunit, napansin ko na parang gusto niya talagang makipagkwentuhan at gustong makipag-heart to heart talk. Well, wala na akong nagawa. Sinagot ko na lang ang kanyang mga katanungan.
“Yung paga-adjust mo as a freshman ayos lang ba?” tanong niya.
“Ayos lang naman po,” ang matipid kong tugon.
“Marami ka na bang friends?” ang masiyasat niyang tanong.
“Konti pa lang po.”
“Bakit naman?” tanong niya na may pagtataka.
“Mahiyain po kasi ako.”
“Bakit ka mahiyain? Meron ka bang napagdaanan kaya naging mahiyain ka?”
“Wala naman po.” Hindi ko na inisip pa kung meron nga ba o wala. Yun na lang ang isinagot ko. Baka kasi humaba pa.
“Kumusta naman ang dating guidance counselor mo nung highschool?”
“Masungit po yun.” I am referring to my GC nung hayskul na hot-headed 24/7. Parang everyday may regla.
“Ha?!” Parang gulat na gulat si ma'am. “Wala namang masungit na guidance counselor. Bakit naman ganun?”
“Ganun po talaga siya eh.” sambit ko kay meym.
“Ang mga guidance counselor dapat mabait. They are the one who should help the student sa kanilang mga problema. Well, gusto kong sabihin sa'yo na I am your friend. Pwede kang pumunta sa akin kapag kailangan mo ng kausap.”
Napakamahinahon magsalita ni madam guidance counselor. Napaka-sweet ng boses, parang pabebe, hehe. Mukhang sanay na sanay nga siyang makipag-usap sa tao. Napaka-sincere niya at talaga namang from the heart ang mga sinasabi.
Bukod sa pagiging mahiyain, nabanggit ko rin sa kanya nq ako'y di palakibo sa paaralan. Heto ang napakagandang payo na naibogay niya sa'kin:
“Wag ka nang maging mahiyain. Come out of your shell. Try to make friends with them. Makipag-ngiti ka sa kanila. If they didn't smile back at you, okay lang 'yan. Wala namang mawawala sa'yo. At least you tried. Kung hindi ka man nila ngitian, don't take it personally. Don't feel bad, malay mo malungkot lang sila. Pwede ding marami lang silang bitterness sa buhay. Kapag ganon, try mong maghanap na lang ng iba. Find people who will bring out the best in you. Makipagkaibigan ka sa mga taong iimpluwensiyahan ka sa magandang paraan. Don't mingle with people who will influence you in a bad way. Don't hangout with people who are destroying you everyday. You can be friends naman with them pero yung light lang. Pero take note, yung mga taong di ka gusto eh wag mo agad ayawan. Di naman kasi maiiwasan na may mga taong hindi ka magugustuhan. Ako nga friendly akong tao pero it doesn't mean friend ko na lahat. And, it doesn't mean din na porket ayaw nila sa'kin eh ayaw ko na rin sa kanila.”
I was just staring at her while listening carefully to what she was saying. Napakaganda ng kanyang mga sinasabi. Ang galing niyang magpayo. Every word she says makes a lot of sense. Heto pa ang dagdag niya:
“What you haven't done when you were still on highschool, di mo na maibabalik ngayon. Yung mga mangyayari this day eh iba na naman bukas. You can never turn back time. Don't deprive yourself from being happy. Life is too short kaya dapat you should treasure every moment. Ang college life mo is a new chapter of your life kaya dapat i-enjoy mo lang ang 4 years na 'yun. It is like a blank slate, you should fill it with happy memories. Make it memorable.”
Ang taray ng mga English quotes ni meym. Bonggang pang-status sa facebook. lol.
Kidding aside, I was enlightened sa mga sinabi niya. Tagos sa heart. It got me into thinking about things particularly the chances I didn't take.
Finally, pinirmahan niya na yung clearance ko. I thought yun na yun pero may hirit pa pala siya.
Kumuha siya ng sticky paper at tinanong sa akin ang aking facebook account para daw ako'y kaniyang ma-add so that we can chat daw whenever I need someone to talk to.
“Ano ba ang profile pic mo sa fb?” she asked.
“Cartoon character po.” I answered.
“Bakit hindi mo picture ang iyong ginamit?”
“I am not very much confident po kasi with… with myself.”
“Bakit naman? Ang ganda nga ng eyebrows at eyes mo. Gwapo ka nga actually, or should I say maganda.” ngumiti siya at humingi ng apir, ibig niyang ipahiwatig na naiintindihan niya ako.
I gave her a high-five and a sweet smile.
“Tell me something about what you feel. Do you feel feminine?"
Tumango ako habang nakangiti, showing that I am comfortable with her. Siya ay muling nagsalita:
“Actually napansin ko na 'yan when you came in. Alam mo okay lang 'yan. There's nothing wrong with that. Walang ginawa ang Diyos na mali. You are a gift from God, and you are special. Dapat matutunan mong mahalin ang iyong sarili. Bago ka mahalin ng ibang tao, you should love yourself first. Dapat mo ding i-appreciate ang sarili mo dahil kung hindi, hindi mo nirerespeto si God kasi hindi mo ina-appreciate ang creation Niya. Napansin kong ang ganda din ng smile mo. And I guess kailangan mo lang ng taong magsasabi sa'yo ng mga 'yan para ma-realize mo how great you are. And by that I think you will love yourself more.”
Kumuha siya ng another sticky paper at isinulat niya ang kanyang contact details.
“This is my facebook account.” sabi niya sabay abot sa akin ng sticky paper kung saan nakasulat ang kanyang fb account at cp number.“I-add mo na lang ako o kaya ako na lang maga-add sa'yo mamaya. Mahilig akong mag-post ng mga magagandang quotes at mag-share ng mga nakakatuwang post. Heto din ang number ko. Text text na lang tayo kung kailangan mo ng kausap. Madami na nga akong ka-text na estudyante at tuwang tuwa ako kapag paminsan they text me ng Happy lunchtime.
Basta, don't hesitate na i-message ako kung meron kang problema. Kahit gabing-gabi pa 'yan ay naka-on pa rin ang phone ko at tsaka natutulog kasi ako every night mga alas-dose na. Kung nandito ka naman sa school, punta ka lang dito sa office ko. Kapag nakita mo akong may ginagawa, huwag kang mag-alangang pumasok dahil kahit gaano pa ako ka-busy that moment ay itatabi ko muna iyon just to make time for you.”
“Thank you so much ma'am. Marami po akong natutunan.” magalang na pagpapasalamat ko sa kaniya.
“Walang anuman.” Ngumiti siya at kitang-kita sa mukha niya ang pagka-overwhelm sa narinig na appreciation. Iniabot niya na rin sa'kin ang aking clearance.
“Sige po, mauna na po ako.” aking pagpapaalam.
Pagkatapos ay tinungo ko na ang pintuan at tuluyan ng lumabas mula sa kaniyang opisina.
In our 30 minutes of conversation, I have learned a lot. Her advice was life-changing. She has the power to open anyone's heart and change their point of views and beliefs. The realization hit me like a ton of bricks that fell out from the sky. Thanks to her.
***
awww. in fairness kay guidance councilor. its either advocate ng LGBT yan or siya mismo member ng LGBT.
ReplyDeletepero ang pinaka bet ko, ang fact na nilaglag mo ang before na guidance councilor na masungit siya. lavet!
Natawa ako sa paratang mo. Hehe. Hindi naman ata. Maybe she's just very open-minded to the extent na parang lahat ata ng tao kaya niyang maintindihan.
DeleteIt's a well-known fact naman na maldita talaga yung dating gc ko. Maganda pa naman sana siya pero hanggang ngayon wala pa ring asawa (nasa 40's na siya, maybe totoo ngang maldita.) Alam mo bang iniiwasan siya ng mga estudyante? Yung tipong 'pag nakikita na siyang paparating eh naghahanap na ang mga 'yan ng ibang madadaanan wag lang siya makasalubong.
ha ha nice Guidance , naalala ko tuloy yung dating guidance ko na lagi akong nasa office niya dahil sa aking mga misbehavior ha ha ha ha ... at sa tuwing susungaw na ako sa pinto niya ay bigla siyang sisigaw " Mr Portalan ikaw na naman : ha ha ha
ReplyDeleteHa ha hala bakit? Ano ba usually ang ginagawa mong kalokohan sa highschool? I wanna know it.
DeleteNaku wag mo nang alamin at baka maloka ka lang Beki he he he ... hayaan mo at pag nagkita na lang tau ay ikwento ko sayo soon he he
DeleteHmmm, siguro may ginawa kang kababalaghan together with your classmate sa likod ng classroom noh. Hahaha. Charowt lang. Peace!
DeleteI think guidance counselors are underrated. Marami ka talagang matutunan sa kanila, but not all students take advantage of it.
ReplyDeleteTrue. Most of the students kasi nahihiyang mag-open up.
DeleteSalamat James sa pagdaan :)
Ahahaha!!! Guidance Counselor!
ReplyDeleteAlam mo, ramdam ko sila kasi ganyan ang field na maaari naming landasin sa programang Sikolohista. Maaari nilang tulungan ang isang indibidwal na ipagtanto sa bawat kliyente kung ano ang mga kahinaan at katatagan nila pero, sadly, tulad ni Ma'am GC e mayroon din silang mga problema na minsan e kailangan ding pakinggan ng iba.
Totoo yung mga katagang masusungit yung mga GC ng elem at high base sa karanasan ko. Malaki ang pagkakaiba nila sa college GC. Minsan, masyado silang inquisitive na nakakaalangan pero ramdam mong nasa bahay ka lang kapag kausap mo na sila: Parang kapamilya. Feel at home.
Medyo malapit naman ako sa mga GC pero nagbago 'yan kasi nakaka-conscious yung dalawang GC ng college namin: Ang ganda niya! Tapos yung isa naman e nanalo ng Mr. Intrams dito sa school. Kung ganyan yung GC niyo, di ka maloko sa tuwa? Ahahaha!!!
@ Jay Calicdan: Haha.Parang nakaka-conscious nga kung parehong maganda ang GC. Mas prefer ko pa rin yung not-so-young kasi they are like my second mother na rin. Di ko ata kayang tumitig sa mata kung kay gwapo ng GC ko. Baka mahimatay ako lols.
ReplyDeleteAyun na nga eh. Baka kasi mas vulnerable ang isang tao sa maganda/guwapo (peace!) pero tama ka. Mas maganda yung mga matatandang GC kasi sila yung mga mas maraming karanasan sa buhay na maaari nilang ibahagi para sa mga mas bata kumpara sa mga baguhang GC tulad dito sa amin. Naisip ko rin sa wakas! Haha.,
ReplyDelete