Ako'y isang sirena. Makulay ang aking buntot. Ako'y naninirahan sa pusod ng dagat. Takot pumunta sa pampang dahil baka hindi tanggapin ng mga taga-lupa. Pero hindi ko hahayaang mabulok na lang dito sa ilalim. Kailangan kong makakita ng sinag ng araw. Balang araw ay aahon din ako. Hindi na ako matatakot sa mga tao at ipapakita ko sa kanila ang natatangi kong kagandahan na matagal kong ikinubli sa kailaliman ng karagatan.
image from www.birdsofoklahoma.net |
Ako'y isang ibong nakakulong sa hawla. Ang hawlang ito ay hindi nakakandado at tanging ako lamang ang nagkukulong sa aking sarili. Kahit anong oras ay nasa akin ang desisyon kung ako ba'y lalabas na o hindi pa. Pinili ko munang manatili sa loob nito dahil wala pa akong tapang na harapin ang ibang mas malalakas na ibon na maaring manghusga sa akin. Kulay bahaghari ang aking balahibo, ako'y kakaiba ngunit ito ang nakapagpapa-espesyal sa akin. Lalabas din ako mula sa hawla kapag ako'y handa na. Hindi ko na papansinin ang sasabihin ng iba dahil alam kong mas magaling ako sa kanila. Mas matibay din ang aking mga pakpak at ito ang magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay. Ipapagaspas ko ito at ako'y papaimbulog sa kaitaasan ng kalangitan, aabutin ko ang mga ulap at mga lugar na hindi pa nila nararating.
image from www.socialgreetings.net |
Ako'y isang paru-paro. Matagal nang buo ang aking mga pakpak ngunit nananatili pa rin akong nagtatago sa loob ng cocoon. Hindi naman pwedeng habambuhay nalang akong manatili sa loob nito. Kailangan ko ring lumabas mula dito at lumanghap ng sariwang hangin. Ipapagaspas ko ang aking makukulay na mga pakpak kung saan lahat ay makakakita. Lalabanan ko ang pwersa ng hangin at hindi ko hahayaang tangayin na lamang ng ihip nito. Meron akong sariling destinasyon at ako ay maglalakbay sa sarili kong landas.
Ako'y sirena, ibon, at paru-paro na naghahangad ng kalayaan . Nais kong dumating ang araw na kahit hindi June 12 ay masasabi ko sa aking sarili ang mga katagang “Happy Independence Day!”.
ha ha bongga ang mga comparison huh .... beking beki ka girl he he he : )
ReplyDeleteIyan ang metaphor ng sarili ko. Iba talaga pag may hugot, damang-dama ng fuso.
ReplyDeletenyhaha sa totoo lang kung ibang creature ang ginamit mo maiisip ko na ang metaphor na ginamin mo eh close to Dyosa ehehehe.
ReplyDelete@ Rix--> haha… pwede din.
ReplyDelete