My chika for you is about sa isang matandang babae na nakatira dito mismo sa aming barangay na pinaniniwalaang aswang ng mga taga-rito. Matagal ng grapevine ito sa aming lugar at halos lahat ng mga taga-rito ay narinig na ang tungkol dito.
photo grabbed from www.oddityworld.net |
Ang sinasabing aswang ay itago natin sa pangalang Aling Dolores (AL). Kayumanggi ang kulay niya. Mala-brown ang kulay ng kanyang buhok, may pagkakatulad sa kulay ng buhok ng mais. Payat ang kanyang pangangatawan. Matangos ang kanyang ilong, malalim ang kaniyang mga mata. Lubog ang hollow ng kanyang pisngi at humpak ang kanyang cheekbones. Edgy ang kanyang face, mataas ang kanyang brow ridge, at define ang jawline. Ang kanyang mukha ay katulad ng stereotype na hitsura ng mga mangkukulam at aswang na makikita sa pelikula. May resemblance siya sa matatandandang gypsies, old Turkish women, at kay Mrs. Ganush ng pelikulang Drag Me to Hell. (i-google mo na.)
Mabait naman siya as a person, as a human. In fact nakakasundo naman niya ang mga tao dito, at paminsan kakwentuhan niya ang mga ito. Di naman siya aggressive at di rin palaaway. Di naman siya takot sa mga tao. Kumbaga part siya ng community at hindi naman yung tipong sa liblib nakatira. Wala naman sa kanyang naiinis or what kasi marunong naman siyang makisama. Pero kahit ganun, naniniwala pa rin ang mga tao rito na siya ay isang aswang. Matagal ng usap-usapan dito 'yan at parang naging normal na lang ang bagay na na iyan. Meron naman siyang mga kumare pero wala pa naman kahit ni isa sa kanila ang nagprangka at nagtanong kung aswang nga ba siya kasi siyempre kashokot naman debah. Pero, yung albularyong tagarito ay minsang nagkwento sa amin na napaamin niya na daw itong si Aling Dolores sa tunay nitong pagkatao, inamin nito ang kanyang pagiging aswang.
Si Aling Dolores ay isang dukha. Pangongolekta ng basura ang kanyang ikinabubuhay at kung minsan naman ay nagtitinda siya ng niyog. Meron siyang isang anak na lalaki, mga nasa edad 30s na, ganun din ang trabaho. Matagal ng hiwalay si AL sa kanyang asawa. Kwento-kwento dito sa amin na kaya raw ito iniwan ng asawa ay dahil sa kinakain daw ng Ale ang kanyang sariling anak habang ito ay nasa kaniyang sinapupunan pa lamang. Syet, nakakakilabot ang ganoong kwento. Nagtataka naman ang isa naming kapitbahay dahil sa tuwing tinatanong niya si AL kung ilang taon na ito, ang palaging sagot ng matanda ay nasa late 50s na raw siya. Nagtataka si kapitbahay sa sagot ni Aling Dolores dahil imposible silang maging magkaedad sapagkat maliit pa raw siya ay dati niya nang nakitang matanda si AL. Conclusion ni neighborhood, tinatago ni AL ang tunay niyang edad para mapagtakpan na siya ay imortal.
When I was younger, out of curiosity ay gumawa ako ng sariling paraan para malaman kung totoo nga bang aswang si Aling Dolores o hindi. So ang ginawa ko ay nagdikdik ako ng maraming bawang at ipinahid ko ito sa kapirasong papel. Pagkatapos ay ipinuwesto ko ang papel sa gilid ng dinaraanan ng mga tagarito kung saan din dumaraan si AL.
Nakita kong paparating na si Aling Dolores. Papalapit na siya ngunit natigil siya sa paglalakad. Parang ayaw niyang dumiretso. Ang ginawa niya ay tumambay na lang muna saglit. Doon ko naisip na marahil ay takot siya sa bawang. Pero maya-maya lamang ay dumiretso na siya sa paglalakad. In fairness naman sa tapang niyang dumaan to think na may pangotra. I wonder kung ano kaya ang nararamdaman niya nung mga oras na iyon.
Hindi lang iyon ang kalokohang aking ginawa that day. Hindi ako nakuntento sa nakita ko kanina kaya naman ni-level up ko ang pagtuklas sa katotohanan. Inabangan ko ang muli niyang pagdaan at nung nakita ko na siya ay bigla akong pumuwesto sa may kanyang likuran. Sinundan ko siya papunta sa may tindahan at ako'y nagkunwaring may bibilhin din. Habang naglalakad ay inilapit ko ang hawak kong bawang sa kanyang likuran, as in sobrang lapit. Inobserbahan ko ang kanyang magiging behavior. Maya maya ay panay na ang paghawak niya sa kaniyang leeg. After a while, nakasalubong niya ang kaniyang kakilala at siya'y nagsabi nang “Parang lalagnatin ako ngayon”. Medyo natatawa ako sa ginawa ko noon at sa naging reaksiyon niya pero at the same time ay kinikilabutan siyempre akez to think na aswang yung nasa harap ko at napagdiskitahan ko pa. Ano na lamang ang mangyayari sa akin kung nalaman niya yung expirement ko davaah. Baka kainin niya ako. Scary!
Pero kung inaakala niyong hanggang dun na lang ang aking pagdidiskubre, pwes nagkakamali kayo dahil may isa pa akong ginawa at maituturing ko iyon na big confirmation. Here's what I did:
One day ay nagkukwentuhan si Aling Dolores at si mama sa aming balkonahe. That moment ay nakaisip na naman ako ng kalokohan. Agad akong pumunta sa may kwarto at kinuha ko ang kapiraso ng arawa mula sa loob ng aparador. Para sa mga hindi nakakaalam, ang arawa ay isang uri ng kahoy na sinasabing effective na pangotra sa aswang. Ito ay nagdudulot ng mabahong amoy kapag sinusunog at ang amoy na iyon ang pinakayaw ng aswang dahilan para ito'y umalis. Ang kahoy na iyon ay galing pa sa bundok, sa lupain ng aking lola. Na-try na naming sindihan iyon one time at medyo mabantot nga ang amoy ng usok nito kapag sinisindihan pero hindi naman ito sobrang baho (para sa mga ordinaryong tao) at hindi naman yung tipong maduduwal ka. Tolerable naman ang smell.
Anyhow, going back to the story. Dinala ko ang arawa sa kusina at kumuha ako ng posporo. Doon ko ito balak sindihan at doon ko malalaman kung maaamoy nga ba ito ni Aling Dolores kahit na medyo malayo mula sa kaniyang kinaroroonan.
Sinimulan ko na ang pagsunog nito. Inobserbahan ko ang magiging behavior ng Ale. Di nagtagal ay nagsimula na itong bumahing ng paulit-ulit na kanina ay hindi naman. Halatang sumama ang kaniyang pakiramdam, parang nagka-allergy bigla. Nangangahulugang nalalanghap niya ang amoy ng usok ng pangontra. Sigurado ako na hindi yun kayang maamoy ng ordinardyong tao sa ganoong distansya.
Halata sa kanya na kating-kati na siyang umuwi. Pero kahit na medyo masama na ang kanyang pakiramdam ay hindi naman siya agad umalis dahil marahil iniisip niya na masyadong obvious kung gagawin niya yun. After several minutes ay nagpaalam na siya kay mudra at nagwika ng “Mauna na ako. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko.” Pagkatapos nun ay ikinwento ko agad kay mother ang aking ginawa. Di naman siya nagalit or what. Ang tanging nasabi niya lang ay “Kaya naman pala.”
Dahil sa pangyayaring iyon ay 100% sure na ako na hindi hindi ordinaryong tao si Aling Dolores. Siya agad ang pumapasok sa isip ko kapag sa tuwing may nagla-landing na aswang sa aming bubungan (I know na aswang 'yon dahil alam ko naman na di hamak na mas mabigat ang aswang kesa sa pusa. Halos mayanig ang buong bahay namin sa tuwing may bumabagsak na ganon na halatang hindi magaan na nilalang.) Sa tuwing may aswang sa bubungan namin ay nagdadasal ako na sana agad itong umalis at sa ibang lugar na lang ito maghanap ng makakain. Nasa 2nd floor pa naman ang kwarto ko kaya naiisip ko dati na baka ako ang malantakan.
Pero ngayon, wala na si Aling Dolores. It has been three years na since siya ay namatay dahil sa sakit. Palaisipan sa akin kung kanino niya kaya naipasa ang sumpa bago mamatay. Ang tanging pumasok sa isip ko ay sa kanyang anak na lalaki.
Ilang buwan lang ang nakakaraan ng magkwento ang dalawang amiga ni mudra na may namataan silang lalaking aswang dito sa aming lugar (baka yun na yung anak). Ang dalawang magkumare ay maaga kasing namamalengke (mga 4 am) every Sunday dahil sa pareho silang may tindahan. Magkasama sila noon. Madilim pa ang paligid at sila pa lang ang taong nasa labas ng bahay. Habang naglalakad ay napansin nila ang isang lalaking nakatayo sa may kubo. Akala nila nung una ay gumagamit ito ng cellphone dahil sa mayroong liwanag na tumatama sa mukha nito. Tinitigan nila itong mabuti. Laking gulat nila nung napagtanto nilang yung mga mata mismo nito ang umiilaw na animo'y nagniningas na apoy. Napansin din nila na sobrang itim ng buong katawan nito at mukhang hindi raw ordinaryong tao. Dahil sa takot, dali-dali silang umalis at naglakad ng walang palingon-lingon. Mas nadagdagan pa ang kanilang hilakbot dahil sinusundan sila ng nasabing nilalang. Buti na lang, nakatawag sila ng tricycle at agad na silang sumakay.
photo grabbed from paranormalfact.wikia.com |
When I heard that terrifying story, it haunted me for days. Hindi na ako lalabas pa ng bahay sa ganoong oras hangga't wala akong kasama.
Hala! Bakit ganoon? Confirmed!
ReplyDeleteAng naririnig ko, tulad ng mangkukulam, ay hindi sila basta namamatay hangga't hindi nila ipapasa yung isang itim na bilog, parang bato, na ipapasa nila sa kanilang anak (nilulunok daw?)... at doon na sila maaaring mamatay.
At sa kuwento mo, may kaunting resemblance ito sa isang lugar kung saan nakatira si daddy na may ganyang kuwento. Tama kaya yung iniisip ko na doon ka nakatira? Naku! Ingat ka jan lalo na kung sa anak na lalake niya ipinasa!
Totoo din yung itim na bilog na parang bato. And yup, nilulunok yun.
DeleteTaga-saan ba si Daddy mo?
San Mateo... pero malapit sa Montalban. For sure, di ka taga-roon. Haha.,
DeleteAh ok. Oo nga, di ako taga-roon. Hehe.
DeleteKashokot naman ang kuwento mo Beki..... kakakilabot .... ako rin may mga kwentong katatakutan eh kaso I better keep it to myself he he he
ReplyDeleteIkwento mo din sa blogey mo. Mahilig ako sa mga ganyang kwento.
DeleteSayang wala ng MGB para nasabi mo yung kwento sa kanila malay mo lumabas ka bilang narrator
ReplyDeletelols. ayokong lumabas sa tv, baka haunting-in ako ng aswang.
Delete