image from cdn.vectorstock.com |
Karamihan sa atin ay minsang naniwala na totoo si Santa Claus lalo na nung bagets days natin. May mga bagets na hindi nauto, at meron din namang mapahanggang sa ngayon ay nabubuhay pa rin sa kasinungalingan. Halimbawa na diyan ang kaklase kong itago natin sa pangalang Rico (sinadya kong itago ang kanyang katauhan para mailayo siya sa kahihiyan).
Naging kaklase ko siya noong huling taon ko sa hayskul. Seatmates kami.
Ang eksena…
Pasado alas tres na ng hapon. Last subject na. Malapit na ang uwian. Mega chikahan ang aking mga klasmeyts dahil wala naman seatwork na binigay si teacher. Parang free time na din. As usual,
tulaley lang ako dahil mahiyain me.
Nang biglang may tinanong sakin si Rico.
RICO: Bakit kaya hindi na nangreregalo si Santa Claus? (seryoso ang kanyang feyshal ekspreysyun)
AnonymousBeki: Eh hindi naman totoo si Santa Claus!
RICO: (na-shocked ito, di makapaniwala sa narinig) Pero niregaluhan niya ako nung bata pa ako. (balak ko na sanang batukan. chos lang!)
AnonymousBeki: (natatawa) Yung nanay at tatay mo lang yun!
RICO: Talaga!?? (haha, shunga)
Agad kong nilingon ang klasmeyt kong isa. Balak ko ’tong i-chika sa kanya.
Pinigilan ako ni Rico. Wag ko daw ito sabihin sa iba. Siya'y nagmamakaawa, nagsusumamo.
Di nagpapigil si bakla. Gustong i-share ang kasiyahang kaniyang nadarama. Ipagkalat ang happiness!
AnonymousBeki: (kausap si Klasmeyt) Ngayon lang nalaman ni Rico na fake lang si Santa Claus!
KLASMEYT: Nyahaha! Kawawang bata. Siguro'y taun-taon siyang naghihintay kay Santa at umaasang mariregaluhan siya nito.
AnonymousBeki: Ganon nga siguro. Hahah.
Nagtampo si Rico ng slight. Understandable naman. Pero, dapat nga siyang mag-tenkyu sakin. Dahil sa’kin, naggising siya mula sa isang malaking kasinungalingan. Natuldukan ang paghihintay niya sa wala. Na-enlighten at naliwanagan ang kanyang isipan. Higit sa lahat, na-ruined ko ang kanyang childhood! Ahahah!
kawawa naman siya ... nilagot mo ang natitirang pag-asa niya para sa regalo : ) ... ganiyan din kami nuong bulinggit days namin ..todo sabit ng medyas bago mag-Pasko ... and then kinabukasan ay punong - puno na ng mga pera at kendi ... nakaka-miss lang ... those were the days : )
ReplyDeleteAno naman kaya ang facial expression ng magulang niya pag sinabi ni rico sa kanila ang good news mo hahaha...
ReplyDelete@Edgar Portalan: Nakakamiss talaga, pero ako mas excited ako sa mga food. Masarap kasing magluto si madir at napaparami ako ng kain, di lang halata sa shutawan ko, patpatin pa rin. I miss my childhood.
ReplyDelete@ROLF M: Oo nga no. Napaisip din ako. Gumana tuloy imagination ko.
Ganito ang naisip kong scenario:
Rico: Nay? Totoo po ba? (garalgal ang boses) Totoo po bang hindi totoo si Santa Claus?
Nanay: A-anak. Hayaan mo akong magpaliwanag. (naluluha)
Rico: Ayokong marinig ang explanations mo! (tinalikuran ang ina)
Nanay: Anak. Anak sandali!
Rico: All these years pinaniwala niyo ko, paano niyo nagawa sa'kin 'to? Inay… Bakeeett…?
(inimpake ng anak ang lahat ng kanyang gamit. tuluyan na itong naglayas. napuno ng kadramahan ang buong kabahayan.)
***
Chars! LOL