Naikwento ko na sa previous post ang tungkol sa kababalaghan na naganap sa aming balur. Agad na sumagi sa isip ko kung sino ang posibleng may kinalaman dun. Pero siyempre di ko muna sinabi sa kanila at tsaka maging sa sarili ko ay ayokong mag-assume dahil parang ang sama ko naman. Ngunit pareho pala ang hula namin ni mudra.
Nabibigyang-linaw na ang lahat. Maaring ang nasa likod ng pangyayaring ito ay si grandma.
More than 1 week na ang nakalilipas ng may na-receive kaming text mula sa isang kamag-anak. Sabi sa text nadulas daw si grannie at di raw ito makabangon. Dinala nila ito sa hospital at napag-alaman na nagtamo ito ng bali sa katawan. Ilang araw siyang ni-confine.
Huwebes nang maganap ang naturang kababalaghan. Si grandma ay kasalukuyang nagpapagaling nung mga panahong iyon, so paano mangyayari yung naiisip namin? Maybe it has something to do with astral projection.
Ano ang astral projection?
image from beakingdeception.com |
Ang astral projection o pag-aastral travel ay ang 'pansamantalang' paghihiwalay ng kaluluwa (astral body) sa physical body. Ito ay maaring mangyari sa mga taong naka-comatose, nasa near-death experience, maysakit, o pwede rin namang kahit natutulog lang. (Sa kaso ng lola ko siya ay nagpapagaling.)
image from thespiritscience.net |
During astral projection malayang nakakagala ang kaluluwa sa labas ng pisikal na katawan. Ang kaluluwa at ang physical body ay magkarugtong sa pamamagitan ng silver cord—a structure of energy which has a shimmering appearance. Silver cord is said to be elastic therefore it is possible to travel even in the most distant places. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakabalik pa rin ang astral body sa pisikal na katawan kahit na napadpad ito sa kung saan. Hindi rin ito madaling mapatid at ang tanging makakaputol lang nito ay ang Diyos dahil siya lang ang magpapasya kung kelan niya tayo kukunin.
(I've been reading Astral Projection articles for almost a year now. Medyo madami na rin akong nalaman so feel free to ask me any questions you may have. #feelingparanormalexpert
Serious ako jan mga teh.)
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Nung Sunday, pumunta si mudra kina lola para ito'y bisitahin. Naikwento ni lola na noong isang araw nagising siya na hinihingal, parang pagod na pagod. Kahit saan-saan daw kasi siya nakarating at nahirapan siyang hanapin ang daan pauwi.
Mukhang nag-astral travel si lola. Hindi ba? Creepy!
(Note: Wala siyang Alzheimer's disease. In fact, her mind is still sharp despite her age.)
Pero hindi niya na-mention kung napadpad ba siya sa aming bahay. Malay niyo naman di na niya matandaan kasi nga di ba andami niyang napuntahan.
Mas matatakot ako ‘pag malaman kong hindi siya ang nag-off ng ilaw. Kung hindi siya eh di sino, aber?
Kung si lola mo ngayon aba may kakulitan din siyang taglay. Biro lang!
ReplyDeleteBaka naman coincidence lang?
Hindi ako naniniwala sa mga paranormal activities pero minsan talaga may mga pangyayari na talaga naman mahirap ipaliwanag o I-justify na lang as coincidence.
minsan yung lumilitaw bigla yung mga malalaking mariposa kaoag may patay. Sabi daw ay yun yung transfiguration ng soul ng namatay. Hindi ako nanIniwala pero bakit madalas nga ako makakita ng mariposa sa lahat ng mga lamay na napuntahan ko? Ewan.
Ako tuloy ang na-curious sa sinabi mo na you don't believe in paranormal activities. Why?
ReplyDeleteAko kasi naniniwala ako dun. I believe kasi na science can't explain everything.
I don't know if anyone would believe me but the astral projection— I already tried it once and for me it was real. If no one believes me, never mind. ☺
Don't worry Mr. Tripster pag na-try ko ulit yun ikaw agad ang pupuntahan ko. Chos!
Ha ha astral projection pala ... I dunno I have some doubts with regards to that ... pero kanya kanya tayong paniniwala kaya hindi ko babaliin ang trip mo he he .... anyways invesigate pa more at baka may madiscover ka pang mas believable na answr kaysa dito he he : )
ReplyDelete@ Edgar Portalan: Wala akong maisip na ibang explanation about this mystery. Kung may naiisip man kayo, pakisabi na lang sa akin. thanks.
ReplyDeleteP.S. Isa ka din pala sa mga di naniniwala lol. Bet ko pa naman sanang i-share ang aking 'astral projection experience' kaya lang no one believes me, haha.
Sinasabi nila na kung susubukan mo magastral travel ay kailangan mo makabalik sa physical mong katawan sa tamang oras dahil pag nagkataon ay hindi na makakabalik sa conscious state mo.
ReplyDelete@ Rix: Wititit. According sa mga nabasa ko astral traveling ay hanggang 2 hours lang (not so sure about the exact time) so whether you like it or not pag natapos na yung time makakabalik pa rin ang kaluluwa sa physical body. According ulit sa mga nabasa ko, wala pang namamatay sa pag-aastral project.
ReplyDelete