Wednesday, December 23, 2015

AnonymousBeki is the Godfather




     Noong isang araw, a friend of mine came into my house. May dala siyang papel at ballpen. Mukhang importanteng dokumento. Nagtaka ako.

Iniabot niya sa'kin yung papel at ballpen. Then sinabi niya ang kanyang pakay. Kailangan ko na daw pirmahan ang papers sa pagpapatunay na tinatanggap ko na ang pagiging ninong ng kaniyang anak.





Nalurky aketch habang hawak ko ang ballpen. Nagdadalawang isip kung pipirmahan ko ba o hindi. Pero siyempre ang sama ko naman kung tatanggihan ko ang bata di ba. Pero siyempre may boses sa utak ko na nag-iinarte at nagsasabing wag ko daw lagdaan.

Ang inaarte ko lang naman sa pagiging ninong ay ang hindi ko pa pagiging handa. Being a ninong is a big responsibility. It is like promising to a person that I am willing to be the second parent of her child. So paano yun eh hindi nga ako ako willing not because ayaw ko at all but rather hindi pa nga ako handa?

May dalawang pipirmahan sa papel, para iyon sa dalawang magiging godparents at isa na ako dun. Isa rin sa hindi ko matanggap ay dun ako sa 'Godfather' kailangan pumirma. Nakakasama ng loob debah? ECHOZ! Parang mas ikatutuwa ko sana kung doon ako sa Godmother category pipirma. At sa tingin ko mas matutuwa ako lalo kung may word na "Fairy" sa unahan nito. Ang lakas maka-Cinderella. Then suddenly naalala kong hindi rin pala pwede dahil lalaki ang magiging inaanak ko. Lol 

Nilagdaan ko na finally yung papers. Sabi kasi ni mudra masama daw na tinatanggihan ang mga ganyan. So ok pinirmahan ko na. Ano pang magagawa ko.

Ang sad lang kasi magiging ninong na ako pero yung sarili kong ninong ay once lang ako niregaluhan noong Pasko, maybe more than a decade ago. Ang sad din kasi mawawalan na ako ng karapatang magreklamo sa ninong ko tungkol sa mga hindi niya naibigay na regalo. Kung magde-demand ako sa kanya, chances are magde-demand din si inaanak. Babalik din sa akin. Much better quiet na lang ako hihi.



8 comments:

  1. I have 29 godchildren. Yung isa "godopted" ko na. So 30 na sila. Wala pa ako boyfriend at sariling anak niyan. Naaawa na rin ako kasi hindi ko sila nareregaluhan. Pero ang sarap ng feeling din na kapag dimadating ako eh hahabol din sakin kahit hindi nahingi ng kahit ano. Sa 2016, my plan is to throw a party for them sa Pasko at regaluhan sila lahat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami! Buti naman at mababait sila. For sure matutuwa ang mga yun next year kapag binigyan mo sila ng party. Deserve nila yun. Yung mga batang katulad nila na hindi nanghihingi ng regalo ang mas masarap regaluhan. Go ninong! Pasayahin mo sila next year.

      Delete
  2. I have 26 godchildren ... ung iba nasa probinsya na at marami na ung malalaki pa sa akin... masama nga daw tumanggi kapag kunin kang ninong kaya ganyan sila dumami he he he ... but glad dahil so far ay wala namang naging pasaway sa mga inaanak ko at lahat sila good godchildren ... ako lang bad godfather he he he ... Merry Christmas Beki

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami ulit! Contest ba itey? Tagisan at labanan! Pero sori ka dahil mas madami kay Mr. Tripster hehe. Ang suswerte niyo sa mga inaanak niyo huh. Mga mabubuti. Sana lumaking kasingbait nila ang inaanak ko.

      Hay naku, naalala ko yung fb post ng friend ko sa facebook. Walang modo yung inaanak. Ang sabi ba naman sa post: "Hoy ninong! Ilang taon na at wala pa akong natatanggap na regalo mula sa'yo. Wala kang kwenta! Kung di mo kayang panindigan pagiging ninong mo sana di ka na lang nag-ninong!"

      Uminit bigla ang ulo ko nung nabasa ko 'yun. Kung ganon lang din ang magiging inaanak ko, di na ako magpapakita sa kaya forever and ever! hahahaha

      Delete
  3. P.S.

    Excited na akong i-kwento sa inyo ang ganap sa Noche Buena namin at ang binyag na aking dinaluhan (kung saan nag-ninong ako.) Ipo-post ko yun soon. But for now, MERRY CHRISTMAS na muna sa inyong dalawa at pati na sa lahat ng readers at mga nilalang na napapadpad sa blog na ito. Maligayang Pasko sa inyong lahat!! Let's celebrate the birth of Jesus Christ with joy and love in our hearts.

    ReplyDelete
  4. I can somewhat relate to this naman haha :) Good read

    ReplyDelete
  5. Well, ako wala pa akong inaanak :)
    Di siguro ako good for a ninong, saka mukhang ayoko naman talaga hahaha.

    Happy New Year AB!

    ReplyDelete
  6. @Simon: Good to hear nag-enjoy ka sa pinagsusulat ko :)

    @jep buendia: Malay mo naman next year meron na haha.

    P.S.
    Belated Merry Christmas sa inyong dalawa at higit sa lahat Happy New Year!

    Lovelots,
    AnonymousBeki

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺