Saturday, December 5, 2015

Karagumoy

     December na! Damang-dama na talaga ang Kapaskuhan. Pinailawan na ang mga makikislap na Christmas lights sa mga tahanan. Nagniningning na rin ang mga higanteng Christmas Tree sa iba't-ibang panig ng bansa. Karamihan dito ay na-feature na sa tv. Hayaan niyong i-feature ko din dito sa aking blog ang pinagmamalaking Christmas Tree ng aking probinsya, Albay.


Karangahan Albay Green Christmas Tree 2015
ShantiSerrano
Photo grabbed from Governor Joey Sarte Salceda's Facebook Account
Photo grabbed from Governor Joey Sarte Salceda's Facebook Account
Updated on ThursdayTaken at Province Of Albay
[marlo-PEO]

Ang piktyur sa itaas ay ang bonggang 36 feet na Christmas Tree sa aming lugar na yari sa karagumoy. In case you are asking, ang karagumoy ay ang materyales na ginagamit sa paggawa ng banig. Pero huh don't get confused. Iba ang karagumoy sa buri. Pasensya na at hindi ko alam kung ano ang translation niyan sa Tagalog.




Photo grabbed from www.djibnet.com

Ganyan ang itsura ng karagumoy plant. May resemblance ito sa pineapple plant. Meron itong matutulis na tinik sa gilid ng dahon na siyang tinatanggal ng mga mat-weavers kapag ginagawa itong banig o kung ano pang mga local products.


Photo grabbed from Governor Joey Sarte Salceda's Facebook Account
ShantiSerrano

     Going back to the Christmas tree, ito ay binubuo ng 3,750 bundles ng karagumoy. Bawat bundle ay tinatayang may 250 strips ng karagumoy leaves. To sum up, the Christmas tree is made up of almost 937,500 leaves of karagumoy plant.
Ang materyales ay galing pa sa coastal communities ng Bacacay, Sto. Domingo, at isla ng San Miguel na pangunahing kabuhayan sa bayan na iyon. Ito ay paraan na rin para i-promote ang mga local products ng probinsya ng Albay.


This is what it looks like during daytime.
Photo grabbed from GMA NEWS ONLINE

Sa facebook post ni Governor Joey Sarte Salceda, ipinaliwanag niya kung bakit karagumoy ang napiling material na gagamitin sa paggawa ng Christmas Tree ngayong taon. Sabi niya:

“  Why Karagumoy? Because it represents comfort that can only come from God. Karagumoy represents comfort since it is made into 1). Banig when you sleep, 2). Bayong when you shop, 3). Hat for traveling, and 4). Kararaw for safekeeping.  


Kung iyong mapapansin, pawang yari sa mga indigenous materials ang ginagamit sa paggawa ng giant Christmas Tree taon-taon. Ito ay dahil isinusulong ni Gov ang eco-friendly na pagdiriwang ng Pasko sa aming province. Kaya nga may word na "green" sa Karangahan Albay Green Christmas Festival ay dahil bet niya na ang pag-celebrate ng Pasko dito ay hindi makapagdulot ng harm sa kalikasan. Mali ang iniisip mo na kaya may word na "green" ay dahil ito din ang kulay ng kanyang dugo. (Peace Gov! Joke lang po yun ha. ‪#‎iamheretopromoteAlbay‬)

     Panglimang taon na ngayon ng nasabing festival. Ito ay naglalayong mapaunlad pa lalo ang turismo ng probinsya. Month-long ang celebration na itez na karaniwang nagbubukas tuwing last week ng November, depende. Hindi naman kasi consistent ang opening date nito. Ngayong taon, ang Karangahan Albay Green Christmas Festival is from December 1-31, 2015.


Prior to opening.
Photo grabbed here
jm_magdasoc
WOW! Such a beautiful view at night.
Photo grabbed here
Photo grabbed here
Photo grabbed here[Arnulf Ramirez Lorcha]
Photo grabbed here
ShantiSerrano

Ang ganda ng lugar especially pagsapit ng gabi. The place is just so romantic. Perfect place para sa picture-taking with your family or special someone. Yihiee!

Heto may video, panoorin niyo.


Ang ibig sabihin nga pala ng "Karangahan" ay "lending comfort" or "giving a helping hand" and that is what Christmas should truly all about.


So ano pa ang hinihintay mo? Magdigdi na sa Albay!

4 comments:

  1. Tamang tama ang fiesta pagpunta ko jan this month hope u will be my tourist guide he he .... hala lagot ka kay Gov Salceda at naamoy mo siya ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tour guide? Naku baka mailigaw pa kita haha.

      'Pag nakapunta ka dito sa Albay you must try our very own authentic sili ice cream.

      Good luck sa trip :)

      Delete
  2. Hala! Bicolano ka pala, be?! Padalahan mo nga ako dito ng 'pinangat' kasi matagal na panahon ang lumipas ng huling tikim ko nun. And, wow ha, engrande ang pasko sa inyo! Haha., Oy, half-oragon din ako kasi iyan ang probinsya ni Grandma Dumanaic. Sana, makapasyal ako sa Bicol... soon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige ipa-LBC ko (pera? lol). Good to know isa ka din sa mga kilala kong blogger na may lahing Bikolano.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺