Thursday, December 11, 2014
Hinaing
Mejo matagal ng hinaing ng puso ko ang privacy issue nitong selpown ko.
5 months ago, gamit itong mobile ko ay gumawa ako ng blogger account para dito sa blogelya ko. And then one day, naisipan kong pindutin yung Gmail App. Hindi ko pa kasi ito nabubuksan before. Pagkabukas ay nakita kong automatic na naka-log in na ang aking account.
Ang nakakainis, hindi ko mahagilap kung asan yung log-out. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ma-sightsung.
Ang tanging naisip kong solusyon ay lagyan ito ng security code/password para hindi mabuksan ng sinumang magtangkang tuklasin ang aking lihim.
***
Akala ko tapos na ang aking pangamba. Meron pa pala. Ito ay muling nakapagdulot ng pagkaligalig sa aking fuso.
Nabigla ako nung makita kong ang email address ko ay andun na sa Contact List. Kapag pumupunta ako sa Contacts App, hindi ito makikita. Pero pag pumunta ako sa Messages at kapag magse-send na, saka ito lumilitaw.
Hindi ko ito matanggal, dahil una sa lahat di ko naman ito ni-save. Kusang andun na. As is pa naman ang email ad ko: anonymousbeki@gmail.com
May balak talaga siguro itong kiyelpon ko na ipahamak ako. Gusto ata nito na mabuko ako at malaman ng iba na ako si AnonymousBeki. Nakaka-imbyernadeth alison davah!
Naisipan kong lagyan na lang ito ng password. Pero hanggang kailan? Hindi ko alam kung kailan ang oras na may manghihiram sa akin nitong niyelpon para maki-text. Ang damot ko naman siguro kung ipagkakait ko ang isang text lang diba? Pero pag pinahiram ko naman ito ay mabubuko naman ang lola niyo. Tegi ako.
Kailangan ko yun matanggal. Pero paano? May alam ba kayo?
Kwestiyun:
1.) Paano i-log out ang account sa Gmail app?
2.) Paano matanggal ang email ad mula sa Contact list?
Help me, plithhh?
Labels
hinaing
Isang beking mahilig magsulat, magbasa at chumika. Sa blog na ito'y mag-eenjoy ka. Tenkyu pala sa pagbisita, paki-follow na din po itong aking blogelya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hmmm.... sorry, I am not a tech geek. Medyo tanga ako pagdating sa mga ganyang bagay. Eto ngang laptop ko, 2006 pa. Hanggang ngayon hindi ko pinapalitan kasi hindi ko maintindihan ang setup ng mga bagong computers at yung mga bagong versions ng pc systems. I'm not even sure if i used the exact term to describe the computer thingies that i'm thinking.
ReplyDeleteAnyway, just go to some shop. Perhaps they can figure it out.
Hay naku , AB , sensya na at di kita matutulungan ... sensya na dahil isa
ReplyDeletedin akong Techiengot .... engot sa technology ha ha ha ... try mo ask help sa mga techie genius : )
@Mr. Tripster & Edgar Portalan--> Salamats sa mga mungkahi. May naisip din akong madaling way, ang mag-search sa Google, baka may sagot din dun.
ReplyDeletei think i can help u pero nganga din ako kapag ala akong picture makita sa cp na yan hahahaha ganyan ako ka-nganga pasensya naman hahaha
ReplyDelete@Lalah--> Na-try kong i-search sa Google yung kasagutan sa Kwestiyun #1 and I found out na wala daw talagang log out sa Gmail app. Ganern? Ang tanging way lang daw eh i-clear ang data ng nasabing app. Well, mas concern ako dun Kwestiyun #2 kaya search search din akiz pag may time.
ReplyDeleteHenny waist, tenk yeww sa pagbisita teh!
O siya sige, hanggang dito na lang me, papaubos na ang load ko within this day.
ano ba kasi yang unit mo? kasi yong gmail ko naman hmmm so far ndi ko pa naman na-log out ever hindi rin kasi ako nagattempt mag log out lol. siguro the best dyan is maghanap ka ng app yong for privacy para hindi na mabuksan yang gmail mo.
Deleteay kaloka, i opened my gmail app, nakyuryos ako! hahaha abah! ala nga! kahit sa setting ndi ko makita yong log out na yan, kala ko same lang sila ng twitter na yong logout eh nasa name mo ba yon or sa settings something. nakuh! i think ang maganda dyan is itago mo nalang yang gmail app mo na yan yong ndi visible sa manghihiram ng cp mo hahaha
DeleteDi ko rin alam ang mga bagay na ito lols.
ReplyDeleteIpagdamot mo na lang ang iyong phone o kaya sabihin mo ay wala kang load hehehe.
@jep buendia: ganyang ganyan mismo yung naisip ko. :)
ReplyDelete@Lalah (Wed Dec 17): Ay naku teh, secret na lang. Pag sinabi ko dito ang unit ng phone ko eh baka mabasa ng kakilala ko, nyehehe.
ReplyDeleteWala namang Gmail account yung mga kakilala ko kaya feeling ko di naman sila manghihiram ng cp para sa Gmail.
But, ang pinaka-major concern ko ay yung email ad ko na andun sa Contact list, di ko mabura. Lumilitaw lang ito pag magse-send na ako ng Message. Mas kinakabahan ako sa part na 'to.