Friday, October 30, 2015

May Kilala Akong Aswang

     Malapit na ang Halloween at uso na naman ang pagpapalabas ng mga nakakatakot na istorya sa telebisyon. Naisipan kong mag-share din sa inyo ng true-to-life kahindik-hindik na story that will surely scare you. And for sure, this terrifying story will creep up in your dreams and will give you nightmare tonight. Read on and be ready for goosebumps.


My chika for you is about sa isang matandang babae na nakatira dito mismo sa aming barangay na pinaniniwalaang aswang ng mga taga-rito. Matagal ng grapevine ito sa aming lugar at halos lahat ng mga taga-rito ay narinig na ang tungkol dito.



photo grabbed from www.oddityworld.net

Ang sinasabing aswang ay itago natin sa pangalang Aling Dolores (AL). Kayumanggi ang kulay niya. Mala-brown ang kulay ng kanyang buhok, may pagkakatulad sa kulay ng buhok ng mais. Payat ang kanyang pangangatawan. Matangos ang kanyang ilong, malalim ang kaniyang mga mata. Lubog ang hollow ng kanyang pisngi at humpak ang kanyang cheekbones. Edgy ang kanyang face, mataas ang kanyang brow ridge, at define ang jawline. Ang kanyang mukha ay katulad ng stereotype na hitsura ng mga mangkukulam at aswang na makikita sa pelikula. May resemblance siya sa matatandandang gypsies, old Turkish women, at kay Mrs. Ganush ng pelikulang Drag Me to Hell. (i-google mo na.)


Friday, October 23, 2015

Words of Wisdom mula kay Guidance Counselor

     Tapos na ang first semester. This week ay pagpapapirma na lang ng clearance ang sadya namin sa pagpunta sa school. Hindi siyempre mawawala sa listahan ng dapat hingian ng autograph ang guidance counselor (GC). Kahapon lang ng umaga nang pumunta ako sa office ng aming GC para magpa-sign. Solo flight aketch dahil yung mga blockmates ko ay tapos na, mga two days ago pa ata. Kaya naman mag-isa akong pumasok sa pintuan ng opisina. Napansin kong si madam guidance counselor lang ang taong naroon.

     “Good morning po ma'am. Magpapapirma po ako ng clearance.” magalang na sabi ko.

Umupo ako sa chair while waiting na matapos ang kaniyang paglalagda. Ngunit sa halip na pirmahan agad ay tiningnan niya muna ang aking papel at siya ay nagtanong sa akin.

     “Kumusta naman ******** ang pag-aaral mo this college?” tanong niya sa akin.

     “Okay naman po,” ang magalang kong sagot.




Nase-sense ko na may magaganap na one-on-one interview between us, siya ang host at ako ang guest. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan. Dapat pala sumabay na ako sa iba kung blockmates nung nagpapirma sila dito two days ago. Ang tanging pinagawa lang sa kanila noon ay ang i-recite ang Mission/Vision ng aming university; and I assume na hindi naman sila nilahat kasi madami sila. 

Saturday, October 10, 2015

I don't understand...

     A pleasant day to all of you my dear ka-chikas! If you can still recall on my previous post, punong-puno ito ng pighati, lungkot, at sakit. Pero ngayon, I'm glad to say that I am now already okay (actually 2 weeks ago pa). Maybe tama nga ang sinabi ng isa nating ka-chika na si Teh Edgar, infatuation lang aking naramdaman. And siguro din, the pain that I felt was not real (?). Sobrang stress lang ata ako sa school nung mga panahong iyon kaya siguro napa-emote ako ng todo 3 weeks ago. Right now, my feelings for him is not that intense as before. Crush ko pa naman siya pero hindi na OA levels. Hay naku, hindi ko maintindihan.

photo grabbed from: here

Speaking of hindi ko maintindihan, meron akong nae-encounter na mga salita sa internet na wala akong idea kung ano ba ang kahulugan ng mga ito. Ang mga salitang aking tinutukoy ay ang mga sumusunod:
•aryahin
•nilalantod
•inumang
•kinukupa

Saturday, September 19, 2015

Arjohn

     I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.

He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin?
Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.


More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.

Saturday, September 12, 2015

Ang Awkwaaaaarrrdddd!


     We've all experienced awkward moments in our lives. Some of it are just so unforgettable na kahit gusto mo na itong makalimutan ay di mo pa rin mabura-bura sa iyong isipan at magpahanggang ngayon ay matatawa ka pa rin pag ito'y iyong maaalala. Lalo na siguro kung recently lang naganap ang awkard moment na iyon, talagang mahirap i-forget. 'Yan mismo ang ikikwento ko sa inyo for today, tungkol sa aking mga ‪#‎AwkwardMoments‬ na kung sa inyo nangyari, malamang di niyo rin alam ang inyong gagawin.

Okay. Let's start off with Awkward Moment # 1. Isang tagpo na bibigyan ko ng pamagat na Bakit Mo Sinampal Ang Pisngi Ko? Heto ang istorya:

     2 weeks na ang nakakaraan. Sa aming PE class…

     “Today, magtuturo ako sa inyo ng sayaw. OK, stand up class. Tayo'y magwa-warm up muna”, wika ni professor.

Ayun, nag-warm up na kami. After that, gumawa kami ng walong linya para di magulo. Then, pumunta na kami sa aming kanya-kanyang mga pwesto. Nakatabi ko noon si crush (slight crush lang naman), itago natin siya sa pangalang Ramon. He's cute. Lalaking lalaki gumalaw. Medyo makulit. Pero di kami close, not even a little.

Anyway, nagsimula nang magturo ng choreography si ma'am. May mga patalon-talon na step. Mayroong pakembot-kembot. Meron din namang to-the-left-to-the-right. Medyo nakakahingal. Todo bigay daw dapat ang energy.
Di naiwasang maging hyper ng aking mga blockmates. Obviously, they are having fun. Meanwhile, itong si Ramon naging hyper na din. All out siya sa pagsayaw na parang bata. Pero di ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagsasayaw.

Bigla na lang akong natigilan when he suddenly slapped my butt. Yes, you read it right, he slapped my butt at malakas iyon. Naging question mark bigla ang facial expression ko. Tila nagtatanong ng "Why did you do that?"



Friday, September 4, 2015

Happy Blogsary!

     BER months na naman. Naririnig ko na naman ang ilang mga Christmas songs sa tv at radyo. Time flies so fast talaga. Yung feeling na June pa lang kamakailan tapos September na agad. Parang kahapon lang nung luminya ako para magpa-enrol tapos ngayon halos di ko namalayan na nangalahati na pala ako ng semester. One of the factors kung bakit di natin namamalayan ang paglipas ng oras ay dahil sa pagiging busy natin sa iba't ibang bagay. Ako nga ngayon ko lang na-realize na nag-anniversary na pala itong blog ko.
Obviously, belated na naman itong post ko. But I promise, ang susunod kong post ay latest chika na.


credits to the owner of the pic


     June ng last year nang nilikha ko ang blog na ito. Wala pa talaga sana akong balak na mag-blog nung mga panahong iyon dahil di pa ready yung mga stories ko at pati nga yung blog header & blog background ay hindi pa handa. Ang gusto ko lang that time eh ang mag-exist ang blog kong ito at saka na lang ako magba-blog ng bongga kapag na-prepare ko na ang lahat.
 June 27, 2014 ang date kung saan isinulat ko ang aking first post. Sinulat ko ang post na iyon para if ever na may mapadpad man na readers alam nilang nire-ready ko pa ang aking mga kwento. Di ko naman in-expect na may magco-comment pala agad-agad at sinabing excited na raw siyang mabasa ang aking susunod na mga chika. Dahil dun napilitan akong simulan karakaraka ang pagba-blogging dahil ayaw ko naman silang pag-antayin ng ilang months. Doon na nag-start ang pag-eksena ko sa blog world.

Na-inspire akong mag-blog dahil sa mga bloggers na dati ko nang nababasa. Napapasaya nila ako sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga sinulat tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Doon ko napagtanto na gusto ko rin magsulat. Everyone has their own story and I want to share mine to the world.

Iniisip ko dati, may tatangkilik kaya sa blog ko? May magbabasa kaya dito lalo na't bata pa ako, makaka-relate kaya sila sa'kin kahit na magkalayo ang aming mga edad? Iyan ang mga katanungan na iniisip ko dati. Ngayon, na-realize ko na di ko naman pala kailangang mag-isip ng sobra. Happy ako dahil meron naman akong mga nauto na readers at kasalukuyan silang nagbabasa ngayon, hehe biro lang.


Tuesday, August 25, 2015

Buhay Kolehiyala

Hello there!

Grabe ha. Ang daming event sa school. Last week lang ay midterm exam namin kaya naman witchelz ako nakahanap ng time para makipagchikahan with you as I was busy siyempre na mag-review. Pero ngayon since free ako, susulitin ko itong moment para magbahagi sa inyo ng aking kwento. As promised, ichichika ko na sa inyo ang mga experiences ko ngayong college na akik. Medyo mahaba lang 'to. Sana basahin at tapusin niyo. Wag mag-skip reading ha. Enjoy!





 June 8, 2015
Monday


    Ito ang aking first day of school. 7:30 am ang aking first subject. Nagmamadali ako sa pagrampa papunta sa aking unibersidad dahil male-late na ako. Super kinakabahan ako that day, kasi siyempre new school, new environment, new experience, new classmates, new professors, at siyempre new chapter ito ng life ko. Besides, di naman lingid sa inyong kaalaman na natigil ako sa pag-aaral ng 2 years kaya naman bonggang adjustment ito for me.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong andun na ang aking mga blockmates. Agad akong naghanap ng mauupuan at buti na lang meron akong natagpuan. Pagkaupo ko ay diretso paypay ang lola niyo dahil sa hingal sa paglalakad. Hello?! Hinanap ko pa kaya itong room. Buti na lang wala pa yung professor.

About 20 minutes after, saka dumating ang aming prof. Nagpakilala siya at mukhang mabait naman. After ng kanyang subject ay vacant/free time namin so what I did was umuwi na ako ng balur. Alangan namang mag-hintay ako dun hanggang sa sumapit ang second subject namin which is mamaya pang ala-una. Imagine 3 and a half hours kaya yun.

Pagsapit ng hapon, 2nd subject na. Bet ko ang classroom kasi naka-aircon. Actually laboratory ito wherein may mga computer sa loob for the students.
Maya-maya lamang, I started to feel uneasy kasi sabi ni prof isa-isa daw kaming magpapakilala. Instant kabado na naman ako. Alam niyo bang ako pa yung unang natawag. So ang ginawa ko ay nagpakilala ako with my name, kung saan nakatira, saang school grumadweyt, and other chuchu details. Di ko na sinabi kung ilang taon na ako. Baka kasi tawagin nila akong kuya. Ayoko nga. Mostly, 16 years old pa lang ang aking mga blockmates (turning 17 pa lang this year). While me, 19 na ako (nag-birthday ako nung June. Pwede niyo po akong batiin kahit belated na.)
Meron nga akong ibang kaklase na 15 yrs old pa lang. Oh davah ang babagets. I feel so old. Pero when it comes to face, parang di naman nagkakalayo ang aming mga edad. Di naman sa pagmamaganda pero parang hindi tumatanda ang aking hitsura, kaya naman hindi halata na ako'y diecinueve na. Yung iba nga parang mas matured-looking pa sa akin. Yung blockmate ko ngang lalaki, 15 lang daw siya, but he looks like a father already, seriously.
Thankful ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balbas sa chin, samantalang yung mga blockmates ko meron na sila. Yung isa nga eh nakita kong may happy trail na. Na-shock ako dun ng very very light. lols :-0