Personally, nangyari na sa'kin yung dapat sana naka-schedule na blog post ay na-publish ko nang wala sa oras. Automatic nag-appear ito sa Dashboard. (Sa mga readers na di nakakaalam, ang Dashboard ay katumbas ng Newsfeed sa Facebook.) So ang ginawa ko ay dali-dali kong ibinalik sa Draft ang post at aking ni-reschedule. Pero kainis lang dahil naga-appear pa rin ito sa Dashboard, may nakasulat pa ngang posted 20 minutes ago.
Malamang, pinindot ng aking mga followers ang link ng post sa pag-aakalang ito ay nage-exist pero what will happen is may lalabas na 404 URL NOT FOUND (something like that) which means ito ay temporarily unavailable or hindi nage-exist.
4 days pagkalipas nun, dumating na ang takdang panahon para i-publish ang ni-resched na post. Pagtingin ko sa Dashboard, walang changes. Ganun pa rin. Nasa Dashboard pa rin ito at may nakakalagay na posted 4 days ago (yun yung araw kung saan aksidente ko itong na-post). Hindi man lang ito umakyat para ma-inform ang followers na ito ay na-post na ulit. Ang masaklap, napatungan ito ng mga bagong posts ng ibang blogger kaya yung post ko ay napunta sa bottom. Akala tuloy ng mga followers, wala akong new post dahil yun ang nakalagay sa Dashboard.
Ang tanong ko ngayon, saan ba ang tanggapan ng Blogger para mapuntahan at makapagreklamo? charz! Ang tanong ko talaga is paano ba mag-send ng feedback sa kanila? Magbabakasakali lang na maiparating ko sa kanila ang aking hinaing. (it sounds so madrama. lol)
Sa mga hindi pa nakakabasa ng post na tinutukoy ko kanina, sana po ay basahin niyo 'yon 'pag may time. Ito ay may title na Santa Claus, wer na u? Ang post na 'yan ang may pinakakaunting views (kasalanan 'yan ng blogger.com) at nanghihinayang ako dun kaya naman ngayon pina-plug ko ulit sa inyo.
That post is about sa dati kong classmate na sa edad na 16 ay naniniwala pa rin na Santa Claus really exists. Pramis matatawa kayo sa kuwento kaya sana basahin niyo. You can also leave a comment if you want.
***
New topic.Ilang buwan na ang nakakalipas nang nag-request ako sa mga bloggers about sa email chuchu. Ang mga bloggers na nagpaunlak ng aking request ay sina Bb Melanie ng Todo sa Bongga, Rix ng PsychoRix, nyabach0i ng Mga Kwento ni Nyabach0i, at nyora ng Nyoradexplorer. Thank you so much sa inyong pagpapaunlak. Lovelots. mwah mwah tsup! tsup!
Ang naging request ko, gawin nila akong subscriber sa pamamagitan ng paglalagay ng email ad ko sa kanilang Settings nang sa ganon may notification akong mare-receive sa tuwing meron silang new post. Pinagbigyan nila ang aking munting hiling. Thank you po ulit sa inyo. Thank you thank you for the love!
Meron pang limang bloggers na hindi pa ako pinagbibigyan. Nananawagan ako kina Edgar Portalan ng Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S., Jay Calicdan ng Jay's Quirky World, Mr. Tripster ng Tripster Guy, sir Rolf ng JOKENALISMO, at sir jep buendia ng KORTA BISTANG TIBOBOS. Please pagbigyan niyo na po ang aking kahilingan.
Don't worry, isusulat ko dito ang detalyadong step-by-steps kung paano ito gagawin. All you have to is:
Step 1: Bisitahin ang www.blogger.com
Click the image to be enlarged. |
Step 2: I-click ang drop-down menu at piliin ang Settings.
Step 3: I-click ang Mobile and email.
Click the image to be enlarged. |
Click the image to be enlarged. |
Step 5: I-click ang Save Settings.
Ganon lang kadali.
Kung pwede lang na ako ang gumawa niyan for you ay matagal ko nang ginawa. Kaya lang siyempre hindi pwede dahil hindi ko naman alam password niyo.
Please sana po ay ma-ad niyo na email ko. Please lang huh. Ang kulit kulit ko na. Dali na. Now na. haha
***
Last topic.May gusto akong i-share sa inyo ng something na ngayon ko lang natutunan. Ito yung paglalagay ng clickable na link sa comment box katulad ng karaniwan mong nakikita sa mga spam comments. (Kung alam niyo na 'to eh di congratulations.) Ganito lang iyon:
<a href="http://anonymousbeki.blogspot.com">Mga Chika ni AnonymousBeki</a>
Ang blue ay ang link na gusto mong puntahan nila. Ang orange naman ay ang words na idi-display na siyang clickable at siyang magpupunta sa'yo sa link na ibinigay mo.
What I want you to do is i-copy niyo 'yan at i-paste niyo sa comment box below para ma-test niyo if it really works. Much better, palitan niyo ang link at ang display words and ang ipapalit niyo ay ang mismong blog niyo para instant plug na ang inyong blogerya. Maganda 'to dahil di na mahihirapan yung mga makakabasa na i-copy paste ang link na gusto mong ipabisita sa kanila. Try na!
You do make me look like a retard. Hahahaha! I wanted to kaso alam mo naman ako pagdating sa ganyan- tinatamad. Kasalukuyan ako nakahiga sa bed. Paliligayahin ko muna ang sarili ko, maghuhugas at matutulog. Bukas ko na gawin yan. Hahaha! Just kidding. I just got home from work. Promise, bukas may notifications ka na.
ReplyDeleteI'll count on that.
DeleteHa ha nibisita ko iyong post mo about Santa Calus and I am glad to know na isa pala ako dun sa mga nag-comments he he ... about dun sa request mo sige na nga pagbibigyan na kita he he ... paano naman yung request namin na i-add ka sa FB ha Anon Beki ?
ReplyDeleteMeron ka kasing widget na 'Blogosphere' ('Blogosperya' sa akin) kaya nakita mo na meron akong new post last year. Pero yung mga wala, sa Dashboard lang sila nagre-rely eh may error nga dun tulad ng nakwento ko.
DeleteSalamat sa pag-add ng email chuchu ko. Meron na akong na-receive na notifs.
About sa request, again, no pressure please. hehe
Namerrrrrn alam mo tayong mga bekla sino pa ba magtutulungtulungan??? Hahaha.
ReplyDeleteInfairview sa mga tips mo ha. Pang advertising ng bloggelya.
Salamat muli nyabach0i.
DeleteHala, Ms. Beki, sorry na talaga. Nagugutom kasi ako noong nilagay ko yung email mo sa ibang form tapos kulang-kulang pa yung tulog ko that time. Sorry na, ha. I love you na. :* muah! Peace na tayo :D
ReplyDeleteThank you Jay. May na-receive na din akong notifications. Thank you.
DeleteBasta ikaw, love kita eh! Haha.,
Delete