Saturday, November 14, 2015

Sino nga ba si AnonymousBeki?



     Everyone seems to be asking, sino ba talaga ako? Ano ba ang totoo kong pangalan? How do I looked like? Sino ba talaga ang beking nasa likod ng pseudonym na AnonymousBeki?

Sorry to disappoint you pero hindi ko ire-reveal sa post na ito ang aking real identity. I am only writing this post para i-discuss ang ilan sa mga rason kung bakit pinili kong maging isang anonymous blogger.
Heto ang mga iyon:


     Una, gusto kong maging sincere ang mga posts ko. Gusto ko walang pretention. Gusto kong mag-share sa inyo ng kung ano-ano lang na mga kwento mapa-wholesome man o medyo explicit (including maharot posts, o rated spg stories sa pyutyur if ever, lolz.) Kung sakaling ipakilala ko ang aking totoong pagkatao, maaring maging limited ang mga stories na aking maisi-share dahil siyempre magkakaroon ako ng hiya sa mga post na aking pinagsusulat. Sa ngayon, nakikita kong mas okay na muna sa akin ang ganito, I can share whatever stories I want.

     Pangalawa, I believe that it is human nature to quickly judge someone by his/her physical appearance, consciously or subconsciously man iyan. Kaya nga there is such a thing as ‛first impression’ dahil dito. Admit it or not, marami sa atin ang ganyan. Meron tayong mga initial judgement and side comments sa taong bago sa ating paningin. Ilan sa mga usual komento natin ay tulad ng “Mukhang matalino si girl”, “Teka mukhang bobo si boy”, at kung ano-ano pang judgemental remarks na wala naman talagang basehan. Mahirap sa tulad kong gorgeous at byuripul sapagkat I have to meet your high expectations. Charut lang! (Hindi po ako maganda.)

So ano nga ba ang pino-point out ko? Ang point ko lang naman is I want to be judge based on what I really am, how my mind works, what's inside my heart, and not influenced by how I looked like.

     Pangatlo, mahiyain po ako. Di ko na kailangang i-explain 'yan davah?

     And lastly, I care about my reputation. Lols. Ang lakas maka-artista slash politiko ng kinuda ko. Actually, I don't really care naman talaga sa sasabihin ng ibang tao. Pero sa sasabihin ng family and friends ko, hmm… meron. On this blog, dito ko naisusulat ang mga thoughts at experiences ko na some of it are stories that my family and friends will never hear. Yung ibang stories ko dito ay paniguradong shocking para sa kanila if ever kanilang mabasa. Those are the stories na I better keep to myself na lang, or kung isi-share ko man sa iba, sa inyo yun. I'm sure kayo din naman, meron din kayong mga chika na mas pinipili niyong wag na lang ikwento sa family and friends niyo debaah?

So… that's it. Iyan ang mga dahilan kung bakit tumanggi akong magpakilala.

Pero malay niyo naman, maybe in the near future eh mag-post ako dito ng picture ko. (malay niyo lang naman, HINDI AKO SURE.) Pero huh, don't pressure me na i-reveal ko ang identity ko. Meron kasi akong ugali na the more na pinipilit ako, the more stubborn I become. #‎nopressureplease‬

I hope you understand my decision for now.

Before I go, gusto kong mag-iwan sa inyo ng isang magandang kowt na related sa topic.



The quotation above means that when a person hides behind anonymity, he is more likely to show his true feelings. He doesn't have to pretend because he doesn't have a name to protect. Ganun yun!
***


Photos grabbed from:

8 comments:

  1. Ayos lang 'yan Ms. Beki. It's up to you naman kung ilalantad mo yung buo mong pagkakakilanlan kasi bilang isang blogger writer e tanda lang ito ng pagpoprotekta sa sariling pagkakakilanlan. Isa pa, bilang isang blogger writer, bakit mo iintindihin ang mga negatibong pagpupuna ng mga mambabasa... kung meron man? Ako nga binangga ko pa yung mga kamag-anak ko sa blog... at least, nasa katuwiran ako. Nakalugar ako.

    Heto ha, ikaw na blogger writer na tulad ng mga mambabasa e hindi niyo kontrolado ang opinyon ng bawat isa. Huwag mong intindihin ang mga ito. Magsulat ka ng kahit ano at may pag-iingat. Ginagampanan mo lang naman ang layunin mong maging malaya sa pagsusulat kaya hayaan mo ang mga taong sarado ang isip. Kung hindi mo kaya, gawin mo na lang itong mga kritiko ng mga sinusulat mo na puro pessimism na silang magpupuna ng mga error mo.

    Pero alam mo, naisip ko minsan na siguro, balang araw e bigla tayong magkita. Ano sa tingin mo? Hehe.,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka. Wala namang masama kung poprotektahan natin ang ating mga pagkakakilanlan. Choice natin iyon.

      Maidagdag ko din, may mga writers/bloggers naman na kahit anonymous ay naging sikat pa rin (isang halimbawa na diyan si Bob Ong) kaya for me di naman big deal kung magpakilala or not.
      Bilang isang writer blogger, ang tanging goal ko lang naman ay ang mag-share ng stories sa mundo at mag-express ng aking saloobin.

      Delete
  2. Okay ka saken Ms. Beki. Tama po yan. Ang mahalaga ang reputation..Charot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korak. Reputation and sincerity at the same time. If ever man may magsabing 'I don't have balls to reveal my identity', wapakelz ako dun dahil in the first place wala naman talaga akong balls sa totoong buhay. Charoth din!

      Salamat sa pagbisita Ben Estrella

      Delete
  3. Just respect each others identity ...if you prefer it that way , so be it .... add mo na lang ako sa FB ko @edgarportalan kasi baka makabisita ako sa Bicol sa Decmeber meet tayo ha ha ha ... dont worry you will still be anonymous to me : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Plangak ang sinabi mo. We must respect everyone.

      Don't you know that what you said in the last sentences was a form of 'pressure' for me? Echoz.

      Delete
  4. Gets kita teh! Kahit ako din kinukulit ng identity. Mga ilang tao rin na pinipilit nila na becky akiz. Sana nga becky na lang akiz. Hahaha. Tsaka halur, decision mo yan. Blog mo, bahay mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. 'Yan lang naman ang gusto kong sabihin. Pinahaba ko lang para bongga.

      So hindi ka pala beki? Wait. Let me guess, tomboy ka noh? lols

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺