Christmas is in the air na talaga!
Marahil marami sa inyo ang nag-iisip na kung saan ba ang perfect place para mag-lamyerda ngayong Kapaskuhan. Marami akong napapanood na magagagandang pasyalan na fini-feature sa TV at karamihan nito ay matatagpuan sa NCR. Alam mo yung feeling na gustong-gusto kong pumunta dun kaya lang taga-probinsya ako at nasa probinsya ako ngayon. Hanubayan! Pero buti na lang meron din sa amin. After this post baka ma-feel niyo rin finally yung feeling na parang gusto mong magkapakpak at mag-fly fly just to visit a place such this.
Dito sa province ng Albay, sa bayan ng Malinao, ay dinarayo ng mga tourists ang sikat na pasyalan na binansagang
Christmas Around The World.
Tampok dito ang samu't saring replica ng mga famous landmarks sa mundo gaya ng
Eiffel Tower, Great Wall of China, Pyramid of Giza, Taj Mahal, Leaning Tower of Pisa, The Colosseum, Big Ben, Statue of Liberty, Sydney Opera House, Windmill of New Zealand, Venice Gondola, and The Golden Gate Bridge.
Bago ko ipagpatuloy, may lilinawin lang po.
Disclaimer: Ang mga larawan na inyong makikita sa post na ito ay di ko po pag-aari at di ko rin inangkin. Ang sumusunod na mga larawan ay mula sa Facebook account ni Joey Sarte Salceda (Gobernador ng Albay).
O, heto na ang mga piktiyurs:
(click the image to view full size)
|
Heto yun! Christmas Around The World |
|
Eiffel Tower |
|
Pyramid of Giza |
|
Taj Mahal |
|
Leaning Tower of Pisa, The Colosseum, Big Ben, and Statue of Liberty |
|
Sydney Opera House (middle, foreground) |
|
Windmill of New Zealand |
|
Venice Gondola |
|
The Golden Gate Bridge |
Ang nasabing Christmas House ay pag-aari ni
Dr. Floro Lianko, isang private citizen. Libre lang ang admission sa nasabing compound.
|
Dinudumog at nagkukumahog ang taong bayan! |
|
Stain glass ang peg. |
|
Stain glass peg na Belen |
|
I love Santa Claus! |
Iba-iba ang tema ng Christmas House kada taon, last year ay
Fantasy Land ang peg. Next year ay bago na naman ang ating makikita. Kaya ngayon pa lang dapat pasyal na! Ang pasyalan ay bukas hanggang
Feast of Three Kings.
|
Great Wall of China, Pyramid of Giza, Leaning Tower of Pisa, The Colosseum, Big Ben, Statue of Liberty, and Sydney Opera House |
|
The Golden Gate Bridge and Windmill of New Zealand |
|
Taj Mahal |
|
Andaming utaw! |
|
Very romantic!! Perfect place para sa mga mag-jowa. Siyempre kung single ka eh di family nalang! |
|
Great Wall of China, Pyramid of Giza, Leaning Tower of Pisa, The Colosseum, Big Ben, Statue of Liberty, Sydney Opera House, and The Golden Gate Bridge |
Tunay na kamangha-mangha ang lugar na ito, kaya naman nahihikayat ang mga turista. Akalain mo yun, sa isang gabi lang ay parang nabisita mo na ang buong mundo. Hala sige, ipagkalat na ang chika!
Kung gusto niyo pang makita ang mas marami pang pictures nito, i-click niyo lang ang sumusunod na link ng Facebook Photo Album ni Gov. Joey Sarte Salceda below:
•click
here for the photo album
LIANKO's CHRISTMAS AROUND THE WORLD
•click
here for the photo album
CHRISTMAS AROUND THE WORLD jm_magdasoc
•click
here for the photo album
Christmas Around The World!
•click
here for the photo album
Christmas Around The World wangregalado
Merry Christmas sa inyong lahat!!
NICE MAGANDA DIYAN napi-feature na nga yan sa TV eh at gusto kong mapuntahan iyan .. i-tour mo ako ha pagdako ko diyan : )
ReplyDeleteparang huli na para sabihin kong I want to go there kasi nakaplantsa na ang mga activities ko ngayon. haha pero maganda. lels.
ReplyDelete@Edgar Portalan: serious ka teh Edgar? uh… eh… uhm…
ReplyDelete@-mark-: maganda talaga :)
ayy hala! totoo ang mga yan beki? hahaha kaloka! ang ganda parang nasa ibang bansa ka nga lang dyan ano! eh hayaan mo na, kahit nasa province ka eh enjoy mo naman yan ano! eh anong gusto mo sa ncr? isang buong day ka lang sa trapik! so kebs! dyan ka nalang! wag kang gumalaw pero huminga ka naman! hahaha
ReplyDeleteAng bongga niyan!!! Galing😊
ReplyDelete@Lalah: Yup, totoo po yan.
ReplyDeleteButi nga meron nang gan'to sa amin. :)
@Mac Callister: Super!