Kumusta kayo diyan? I’m hoping na OK lang kayo there. Thank God dahil very safe naman kami dito.
Sabado ng afternoon ng nagsimulang magparamdam ng bagsik itong Bagyong Ruby dito sa province namin. Umulan ng malakas ngunit humihina naman paminsan-minsan, ganon din ang bugso ng hangin. Bandang alas-diyes ng gabi nang putulin ang supply ng kuryente for safety purposes.
Kinaumagahan, mas lumakas ng bahagya ang ulan at hangin ng nag-landfall ang bagyo sa Masbate, which is di naman kalayuan sa aming province.
Pagsapit ng hapon ay lumayas na sa amin si Ruby. Pero meron pa ring panaka-nakang ulan at hangin na dulot ng paghila ng amihan. Masasabi kong medyo mahina ang naramdaman naming bagsik mula kay Ruby compared sa super fierce na ipinadama ni Bagyong Glenda noong nag-landfall ito sa amin noong Hulyo.
Lunes. Pagkagising ko may kuryente na. I'm so happy. Peaceful na rin ang aming paligid-ligid. Natapos itong Lunes nang walang sumilip na araw. Bukas pa ata ito magpapakita.
Nakakahinayang lang kasi nang dahil sa bagyo, di natuloy ang Apec Summit na supposedly dito sa Albay ang venue ngayong araw at bukas, Dec. 8-9.
Ilang months pa naman na pinaghandaan ng aming Gobernador ang nasabing event. Pinapinturahan pa niya ng bonggang bongga ang mga pampublikong mga gusali. Pinalagyan niya ng sari-saring bandila ng iba’t-ibang mga bansa sa parke bilang pag-welcome sa mga afam. Sadly, ilang araw bago dumating si Ruby ay kinansela ang nasabing event at ni-move ito sa Manila. Aww. How sad. Madami pa namang pera ang naggastos ni Gov.
Pero keri lang yan, ang dapat na ikatuwa ay walang nashigik sa aming probinsya. Na-achieve namin ang target na zero casualty. Yehey! Thanks sayo Gov. Joey Salceda.
Thank you din talaga kay Lord dahil pinakinggan Niya ang aming mga prayers. Salamat din dahil hindi nalaspag ang bubot kong shutawan at never man lang ako nabasa.
Mag-ingat po kayo diyan dahil papalapit na diyan si Ruby. Pray lang po tayo kay Lord at siguradong di po niya kayo pababayaan.
Jan ka pala sa Albay ha eh malapit lang samin sa Naga he he ... pagbalik ko jan punta ako sayo i-tour mo ako ... it' s nice to know were all safe ... God bless us all
ReplyDeleteThanks Teh Edgar, God bless din po sayo :)
ReplyDeletenapaka bed weather. tulog lahat ng mantika ko maghapon.
ReplyDelete@ Rix--> Very chrue! Buong maghapon din akong nakahilata sa aking queen-sized bed. (kems!)
ReplyDeletetaga-Bicol ka pala :) Bikolano rin ang aming angkan hehehe.
ReplyDelete
ReplyDelete@jep buendia: saan po sa Bicol?