image from www.flickr.com |
Naririnig ko na naman ang tunog ng mga paputok. Nakakagulat. Nakakabingi. Nalalanghap ko na naman ang amoy ng pulbura nito. Grabe, ang baho. Mga excited much sa New Year.
Naalala ko, nung bata pa ako ay nahilig rin ako sa pagpapaputok ng piccolo. Madali lang kasi ito gamitin. Pagkasindi nito ay meron ka pang limang segundo para tumakbo at iligtas ang iyong buhay. Isa pa sa gusto ko dito ay kaya nitong pumutok kahit underwater.
Heto ang ilan sa mga peborit kong paputukan ng piccolo:
1.) Bao- Pagkasindi ng piccolo ay saka ko ito tatakpan ng bao. Tuwang-tuwa ako sa tuwing lumilipad na ito sa ere. Ang maganda rin nito ay hindi ito nawawasak kaya pwede pa rin gamitin over and over again.
2.) Lata ng Coke- Katulad din ng #1. Lumilipad din sa ere nang di nawawasak. Parang rocket ship ito ‘pag nasa ere.
3.) Putik- Pasensya na kung salaula pakinggan. Pero hindi ko naman po hinahawakan yung putik. I just make the piccolo lubog down the mud without touching it. Pagkatapos sindihan ay lalayo ng malayong malayo dahil baka masabugan.
Naalala ko dati nung minsa’y nagsindi ako ng piccolo sa putik then yung kalaro ko ay hindi lumayo. Ayun, nalagyan siya ng buo-buong putik sa may siko.
4.) Tubig sa Kanal- Pagkatapos sindihan ay maghihintay muna ng about 3 seconds para masiguradong hindi mamamatay ang sindi. Ang then ayun ihuhulog sa kanal na may tubig at lalayo ng ubod ng layo. Maya-maya pa ay makakasaksi ka ng mala-fountain na tanawin.
Naalala ko minsan nung naghulog ako ng piccolong may sindi sa kanal na may tubig. Nag-joke ako at sinabing “Anubayan! Hindi sumabog.” Dahil sa ka-kyuryosan ay dumungaw si friend sa pag-aakalang hindi talaga ito sasabog. Pero huli na ang lahat. Na-surprise na lang siya ng mahilamusan ang kanyang fez ng mala-geyser na tubig.
5.) Diaper- Salaula na naman ano? Hindi ko nga hinahawakan noh. Duh?
Pagkatapos masindihan ng piccolo ay ihuhulog ko ito sa may diaper (ew!). And then tatakbo ako ng 2 kilometers away (char!) para hindi madungisan. Buhat sa malayo ay makakasaksi ng mala-fireworks na eksena. Tumitilapon sa ere ang mga laman nito (eww! so gross!).
6.) Ulo ng lumang manika- Luma na ito at hindi na ginagamit kaya napagdiskitahan ko. After masindihan ang piccolo I put it inside the doll’s head. Nakakainis nga dahil ang kunat. Kahit anong gawin kong pagpapasabog dito ay ayaw mawasak ng fez (ang morbid!). Kahit pala manika matigas din ang bungo.
***
Dahil nakakabingi ang paputok ay mapapatakip ka ng iyong tenga. May dumaang majonda at ito’y nagtanong:
“Bakit mo tinatakpan ang tenga mo? Paano mo ito maririnig?”
May point nga naman siya pero mas nae-enjoy ko kasi yung impact at ang naidudulot nitong pagkawasak kesa sa tunog nito (parang terorista lang, lol).
Never akong sumubok ng five star. Nakakashokot kasi at di rin ako marunong gumamit.
Ngayon, ayaw ko nang maglaro ulit ng paputok. Ayaw kong hintayin pa na madisgrasya ako. Naalala ko may mga times na ang piccolo ay pumutok agad kahit na kakatapon pa lang. Nakakatakot din. Kaya ngayon, iba na lang papaputukin ko. (Magluluto ako ng popcorn mga teh!) Nakapagpaputok ka na, nasarapan ka pa. Ayyy!!
Mas magandang mag-celebrate ng Bagong Taon sa bahay kesa sa hospital. Mahirap ang maputulan ng kamay, ano na ang gagamitin mo? Mas maiging mag-stay na lang sa house kesa sa gumala at maputukan sa labas. Siguraduhin lang na wala ding nagpapaputok sa loob ng bahay, kalurks! O ha, wag magpapaputok this New Year, baka maputukan ka sa fez (ew!).
“Happy New Year sa inyong lahat!”
Ako kailanman ay hindi nahilig sa paputok kahti nuong bata ako ... masyado akong afraid sa paputok lalo na nung masabugan sa kamay ang brother ko , buti na lang hindi naputol he he he ... so gross ka Beki ha pati sa diaper ewwww... ngayon umiwas ka na dahil baka maputukan ka na ... sa iba ka nalang magpaputok he he he ; )
ReplyDeleteKahit kailan di ko trip ang magpaputok hahaha.
ReplyDeleteDi ko lang talaga nakagawian. Saka nasusulasok kasi ako sa amoy ng pulbura, eh medyo weak pa naman ang aking lungs!
Di ko tuloy na-enjoy yung mga nabanggit mong way ng pagpapaputok :) Pa'no nga pala kung may 'ebs' yung diaper hahaha, super paputok na talaga yun, kawawa naman yung masasabugan :)
Wala namang ebs yung diap_r na pinapasabog ko. At tsaka hindi naman ako nagpapaputok pag may tao, ayokong makadisgrasya. Yung mga nakwento ko diyan sa post ay yung mga friend ko na nagkataong tanga mode nung mga panahong iyon. lols
Delete@Edgar Portalan: Wala naman ebs yun teh, pee lang. But still, gross pa din, *ahaha*. Loka-loka talaga ako nung time na yun (at mapahanggang ngayon di ba?) lol
ReplyDelete