Siya ay nakakatakot. Hindi ko napaghandaan ang pagdating niya. Namalayan ko na lang na andiyan na siya. Agad-agad niyang sinimulan ang pagbayo sa mura kong katawan. Hinambalos at winasiwas niya ako gamit ang kanyang lakas. Mas malakas siya sakin at wala akong laban sa kanya. Wala akong mahingan ng tulong. Di ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin ang kalupitan niya sa akin.
Ilang oras na ang nakalipas pero ayaw pa rin niyang tumigil. Sobrang nanghihina na ako. Parang di ko na kaya. Animo'y isa siyang mabangis na hayop na nanggaling mula sa kagubatan.
Tinantanan niya lang ako pagkatapos niya akong pagsawaan. Umalis siya na parang wala lang nangyari. Nilaspag niya ako, nilaspag niya ng todo-todo. Di pa nahiya at iniwan lang ako na basang-basa ang buo kong katawan. Ngayon ay lumayo na siya at naghahanap na naman ng susunod na bibiktimahin. Lahat ng kanyang madaanan ay di niya pinalalagpas, ito man ay mapa-babae o lalaki, bata man o matanda. Wala sa kanyang takas. Hayup na bagyo yun, sinira pa ang bahay namin.
------------------------------------
Wala lang akong magawa kaya naisipan kong magsulat ng ganyan, at saka may papasok rin kasing bagyo sa ating bansa na inaasahang sa Sabado tatama sa lupa.
Tatahakin ni Bagyong Ruby ang direksiyong tinahak ni Yolanda.
Idol niya ata si Yolanda kaya niya susundan ang yapak nito. Malakas din ang powers nito. Akalain mo, kababaeng tao este bagyo ng mga 'to e ang lalakas bumayo. Haynaku, muli na namang lalaspagin ang bansang Pilipinas.
Tayo'y maghanda at sumunod sa otoridad dahil ito rin ay para rin sa ating kaligtasan. Maging leksyon na sa'tin ang sinapit natin sa Yolanda.
Let's pray for the Philippines.
Let us pray na hindi ito tumama sa kalupaan ng Plipinas .. magpa-Pasko pa naman ... hoping and praying ...
ReplyDelete↑ at sana last na din 'to this year...
ReplyDeleteNandito na si Ruby, ingat ka lagi! at dagdag pang ingat sa mga paparating pang lalaspag sa mura mong katawan...
ReplyDelete↑ Thanks po. Salamat din sa Diyos dahil very safe naman kami. Lumayas na ang Ruby sa aming lugar.
ReplyDelete